Kinukulot ang buhok: Paolo lantad na ang kabaklaan sa five years old na anak?!

PIK: Pepito Manaloto ladies ang special guests ni Regine Velasquez sa Sarap Diva sa Sabado ng umaga.

Sina Manilyn Reynes, Janna Do­minguez, at Mosang ang maghahanda ng Filipino dish na ipinatikim nila sa Fo­reignoy winner na si Gui Adorno ng Portugal.

Pero mas kuwela ang ipinakitang pagka-Pinoy ni Gui lalo na’t kumanta ito ng Nandito Ako kasama si Regine.

PAK: Open na open na si Paolo Ba­llesteros sa kanyang kabadingan pero hindi naman niya ipinangangalandakan na nagmu-mujer pa.

Kahit sa pamilya ay tanggap si Paolo at hindi naman daw niya kailangang magkunwaring pa-mhin.

Sa last shooting day ng So It’s You ng Regal Entertainment, Inc., sinagot ni Paolo ang tungkol sa isyung kabadingan. Inamin din niya ang tungkol sa love life niya pero mas mabuting tahimik na lang daw.

Hindi rin niya itinatago ito sa anak niya.

“Five years old pa lang naman ang anak ko pero siyempre alam naman niya.            

“Pero gustung-gusto niyang kinukulutan ko siya,” natatawang kuwento ni Paolo.

BOOM: Sa Biyernes na ang kasal nina Karylle at Yael Yuzon pero gusto nilang pribado lang ito kaya ewan lang kung makalusot ang media.

Nakausap namin kahapon si Yan Yuzon, na isa sa mga direktor ng pelikulang Bang Bang Alley at brother ni Yael, excited na raw siya sa kasal ng kapatid niya.

Si Direk Yan ang best man at ilan sa mga tata­yong ninong at ninang ay sina German Moreno at Lorna Tolentino.                       

Touched si Kuya Germs na kinuha siyang isa sa mga ninong. Hindi raw nakalimot si Karylle na nakatulong din siya sa pag-usad ng career ng singer/actress.

Sabi naman ng kapatid ni Yael na si Direk Yan, bago pa man daw ang kasal ay naging bahagi na raw ng pamilya nila si Karylle kaya excited daw siya sa kanilang pagpapakasal.

Show comments