Hindi na itutuloy ng isang ex-movie produ ang demanda niya sa male singer na malaki ang pagkakautang na datung sa kanya.
Ipagpapasa-Diyos na lang ng movie produ ang lahat dahil ayaw niya na lumaki pa ang isyu. Kung sasampahan niya ng kaso ang male singer, tiyak na malaking eskandalo dahil, kahit paano, may “name†ang mang-aawit.
May mga hinala na may relasyon ang movie produ at ang male singer pero walang kinukumpirma o idine-deny ang una. Basta ang alam niya, may utang sa kanya ang male singer at hindi rin nito ibinalik ang hiniram na kotse.
George Lucas pinapangarap maka-level ni Ely
Early bird ako kahapon sa presscon ng Bang Bang Alley, ang trilogy movie na pinagbibidahan nina Joel Torre, Megan Young, Perla Bautista, Bela Padilla, Jimmy Santos, Art Acuña, Gabe Mercado, at Althea Vega.
Maaga ang imbitasyon dahil may ibang appointment pa raw si Ely Buendia pero hindi nasunod ang schedule.
Kasali sa presscon si Ely dahil siya ang direktor ng episode na tinatampukan nina Megan at Mama Perla.
Dream come true kay Ely ang pagiging direktor ng Bang Bang Alley dahil pinangarap niya na maging movie director noong bagets pa siya. Hindi agad natupad ang dream ni Ely dahil nalinya ito sa pagkanta at bilang lead vocalist ng The Eraserheads.
Pinoy counterpart ni Quentin Tarantino ang tawag kay Ely na natawa sa comparison dahil mas type niya na maging George Lucas. Libre naman ang mangarap ’di ba?
Bagong inspirasyon ni Zsa Zsa aabangan sa kasal ni Karylle
Co-directors ni Ely Buendia sina Yan Yuzon at King Palisoc na mga baguhan din sa pamamahala ng pelikula dahil mas sanay sila na magdirek ng mga music video.
Sounds familiar ang name ni Yan dahil siya ang future brother-in-law ni Karylle na ikakasal bukas.
Magkapatid sina Yan at Yael Yuzon, ang mapapangasawa ni Karylle. Invited ako bukas sa church wedding nina Karylle at Yael pero hindi ako makakadalo dahil sa aking mga previous engagement.
Marami ang excited na dumalo sa kasal nina Karylle at Yael dahil gusto nila na ma-sight nang personal ang mhin na diumano’y bagong inspirasyon ni Zsa Zsa Padilla.
May nagsabi sa akin na isasama ni Zsa Zsa sa kasal ng kanyang anak ang architect na nali-link sa kanya.
Magdadalawang-taon na ang nakalilipas mula nang mabiyuda ni Mang Dolphy si Zsa Zsa. May karapatan ang Divine Diva na lumigaya at kung makikipagrelasyon uli siya, siguradong maiintindihan ni Mang Dolphy. Bagets pa si Zsa Zsa. Kung si Boots Anson-Roa nga lalagay uli sa tahimik, si Zsa Zsa pa kaya?
Ely, big boss sa film production
Teka, tungkol sa Bang Bang Alley ang topic ko pero napunta sa love life ni Zsa Zsa Padilla ang kuwento ko.
Isang crime-drama anthology ang Bang Bang Alley. Ang Curve Entertainment, Inc. at ang Nimbus Film Production ang mga producer ng pelikula.
Si Ciso Chan ang isa sa mga boÂssing ng Curve Entertainment, Inc. at si Ely naman ang big boss ng Nimbus Film Production. Co-producer ni Ciso sina Vic Valenciano at Rudy Tee, ang mga former executive ng BMG Records.
Umapir sa presscon kahapon ng Bang Bang Alley si Wilson Tieng, ang producer ng Solar Films dahil ito ang distributor sa mga sinehan ng pelikula nina Ely, Yan, at King.
Bago nagsimula ang presscon, nagkaroon ng contract-signing sina Wilson, Ely, at Ciso. Showing ang Bang Bang Alley sa mga sinehan sa susunod na buwan.