Na-prove ko na maÂbuting tao si Piolo Pascual at na-feel ko ang kanyang sinceÂrity nang magkita kami sa Annabel’s restaurant noong nakaraang bÂuwan na ngayon ko lamang naikuwento. Sa pagkakatanda ko, first day ‘yon ng shoÂwing sa mga sinehan ng StartÂÂing Over Again, ang pelikula nina Piolo at Toni Gonzaga.
May meeting ako sa Annabel’s nang biglang dumating si Luis Manzano na bumati sa akin. SÂiyempre, kailan ang kasal nila ni Angel Locsin ang unang tanong ko kay Luis na pabirong sumagot ng “Soon!â€
Pagkalampas ni Luis, si Piolo naman ang dumating at nang makita niya ako, siya ang lumapit sa akin, dalawang beses na nag-beso at nagsabi ng “Hi Nay!â€
May mga kasama si Piolo na parang nagtaka sa eksena na na-witness nila. Fresh pa siguro sa kanila ang nakaraan. Nakaraan daw o!
Ang chance encounter namin ni Piolo sa AnnaÂbel’s ang ebidensya ng likas na kagandahan ng kanyang asal.
Naalaala ko ang pagkikita namin ni Piolo dahil napanood ko sa TV ang report na siya ang Box Office King ng 2014 dahil sa laki ng kinita sa takilya ng Starting Over Again.
Billboard ni Jodi sa flawless nagkalat sa EDSA
Full-blast talaga ang suporta ng Flawless kay Jodi Sta. Maria at pruweba ang mga naglalakihan na billboard ni Jodi na nakita ko habang papunta ako sa NAIA noong nakaraang linggo.
Pinakamalaki ang giant billboard ni Jodi sa SM Megamall dahil talaÂgang okupado ng billboard ang malaking bahagi ng mall.
I’m sure, very happy si Jodi dahil tinupad ng Flawless ang lahat ng mga promise sa kanya. Hindi lamang ang mga billboard ang na-sight ko, may mga lamp post ads din ang number one beauty clinic ng bansa.
Congrats kay Mama Rubby Sy dahil sobrang successful ng kanyang businesÂs venture.
Shalala hindi inakalang magkakaroon ng launching movie
Congrats din kay Tolites Reyes aka Shalala dahil may launching movie na siya, ang Etchoserang Frog.
Maraming dapat ipagpasalamat si Shalala sa Diyos dahil unti-unti nang natutupad ang kanyang mga pangarap.
Ni sa panaginip, hindi inisip ni Shalala na magkakaroon siya ng solo at launching movie. Imagine, suporta lang niya sa pelikula sina Derek Ramsay, Jaclyn Jose etc?
Ang mapag-aral at matulungan ang kanyang mga pamangkin ang tanging pangarap ni Shalala pero higit pa roon ang mga biyaya na dumarating sa kanya.
Isa sa mga nakapagpapasaya kay Shalala ang kanyang bagong negosyo, ang sari-sari store na katabi lang ng bahay niya sa Quezon City.
Proud si Shalala sa pagkukuwento na naipundar niya ang tindahan dahil sa sariling sikap. Hindi siya nangutang para maitayo ang kanyang bagong source of income.
Ipinagdarasal ni Shalala na maging tagumpay ang sari-sari store at ang Etchoserang Frog na showing sa mga sinehan sa April. Siguradong masusundan ang pelikula ni Shalala kapag pinilahan ito sa box office.