MANILA, Philippines - Nominated na naman pala ang multi-talented actress na si Eugene Domingo bilang best actress sa prestigious Asian Film Awards (AFA) para sa kanyang role sa pelikulang Barber’s Tales. Nauna nang nanalo ng Best Actress award ang actress para sa nasabing role sa ginanap na 26th Tokyo International Film Festival in 2013.
Pero bigatin ang apat na makakalaban ng Pinay actress sa AFA - Yoko Maki (Japan, The Ravine of Goodbye), Han Hyo-joo (Korea, Cold Eyes), Zhang Ziyi (Mainland CÂhina, The Grandmaster) and Hee Ching Paw (Hong Kong SAR, Rigor Mortis).
Hindi na stranger si Eugene sa AFA dahil na-noÂminate na siya noong 2012 at nanalong Popular Actress award via online voting.
Ang AFA ay kilalang Asian Oscars.
Gaganapin ang awards night sa March 27, 2014 sa Macau, DanÂcing Water Theatre.
Pararangalan nila ang pinaka-mahuhusay na pelikula ng Asya with 14 caÂtegories.
Umabot sa 73 ang nominations mula sa 13 countries and regions.
Ang annual Asian Film Awards ay itinatag noong 2007 bilang kauna-unahang Asian film awards na kumikilala sa galing ng mga taga-pelikula sa Asian region. Napagsasama-sama nila ang malalaking artista at malalaÂking bahagi ng film industry sa red carpet.
Binubuo ng 12 respected film industry experts ang nagi-screen ng mga nominadong pelikula at dumadaan sa mabusising diskusyon at saka lang sila makaÂkaboto at mamimili ng mga mananalo sa 14 categories.
Andrea nag-level upang career
Nag-level up ang career ni Andrea Brillantes simula nang magbida siya sa family-drama na AnnaÂliza na magtatapos ngayong Biyernes.
Pero hindi masyadong feel ni Andrea ang kabi-kabilang papuri sa kanya. Mas naa-appreciate niya ang mga nagpapa-picture sa kanya tuwing nasa labas siya.
Bukod sa mabilis na kasikatan, hinulaan na ni Direk Ruel Bayani, business unit head ng ABS-CBN, na malayo ang mararating ni AÂndrea.
Kaya naman todo ang pasasaÂlamat niya sa mga nanood ng Annaliza.