MANILA, Philippines - Hindi maitatago ni Vic Sotto ang pagkabilib sa mga basketball players na nakasama niya sa San Miguel Beer television commercial kamakailan. At bilib si “Bossing†lalung-lalo na kay Marc Pingris na asawa ng anak niyang si Danica.
“Mahal na mahal niya ang anak at ang apo ko. Bilang ama, ano pa ang maÂhihiling ko?,†pahayag ni Vic tungkol sa manugang na kamakailan lang ay nanalo na naman ng titulo sa Philippine Basketball Association (PBA) matapos pangunahan ang PhiÂliÂpÂpine team na nakapasok sa FIBA World Cup sa darating na Agosto.
Dagdag pa ni Bossing, si Marc ang “best son-in-law any father can have.â€
Bilang suporta sa kanyang manugang, pinanood ni Vic ang bawat laro ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Qualifiers sa Maynila noong nakaraang taon. Madalas rin siyang manood ng PBA games para suportahan si Marc.
Kasama ni Bossing Vic at Marc, na kilala sa tawag na Pinoy SakuÂraÂgi, sina LA TeÂnorio, Japeth AguiÂlar at June Mar Fajardo sa panibagong bersyon ng “Boss,†isa sa mga hindi maÂÂlilimutang patalastas ng San Miguel Pale Pilsen. Miyembro rin ng naturang Philippine team sina TeÂnoÂrio, Aguilar at Fajardo.
“Talagang nakakabilib ang ipinakita nina Mark, June Mar, Japeth at L.A,. Kahanga-hanga ang kanilang dedikasyon at disiplina para makapasok ang Pilipinas sa FIBA World Cup,†wika ni Vic.
Ipinapakita sa nasabing TVC kung paano lulutasin ng isang barkada ang mga hadlang para mapagbigyan ang simpleng hiling ni Bossing na isang malamig na San Miguel Pale Pilsen..
Pasok na pasok ang limang endorser sa pinaÂkaÂbagong kampanya ng San Miguel Pale Pilsen na tinatawag na “Bilib,†ayon sa isang opisyal ng kumpanya.
“Nais ng ‘Bilib’ campaign na ipagdiwang ang katangi-tanging galing ng bawat isa—tulad ng premÂyadong San Miguel Pale Pilsen—nakakabilib, hindi lamang sa Pilipinas ngunit sa buong mundo,†diin ni Elaine Minoza, ang group product manager ng San Miguel Pale Pilsen.