JC doble-doble ang serye
Napakasuwerte naman ni Meg Imperial. Matapos itong magkontrabida sa nagtapos na Galema: Anak ni Zuma na pinagbidahan ni Andi Eigenmann at Matteo Guidicelli, siya naman ang bida ng seryeng makakapalit ng Galema…, ang Moon of Desire kung saan niya kasama sina JC de Vera, Dominic Roque, at baguhang si Miko Raval. Ang president ng ABS-CBN mismo na si Charo Santos-Concio ang pumili kay Meg para magbida at i-launch sa Moon of Desire afternoon TV series.
Samantala, napakasuwerte rin ng baÂgong KapaÂmilya actor na si JC de Vera dahil dala-dalawang serye kaagad ang ipinagkatiwala sa kanya, ang The Legal Wife with Angel Locsin at Jericho Rosales at ito ngang bagong, ang Moon of Desire.
Nalibot na JC ang tatlong major TV netÂworks. Nagsimula siya sa pagiging KaÂpuso, then sa pagiging Kapatid at ngaÂyon ay isa na siyang Kapamilya.
Andi walang kaartehan
Masuwerte si Andi Eigenmann dahil tanggap siya ng mga manonood na gumaganap sa mga bida at kontrabida roles. Siya ang title roler sa Agua Bendita at nagtapos na Galema: Anak ni Zuma. Pero all out kontrabida naman siya sa Kapag PuÂso’y Sinugatan na tinampukan din nina Iza CalzaÂdo, Gabby Concepcion, at Jake Cuenca. Kontrabida rin ang kanyang papel na ginagampaÂnan sa bagong simulang Dyesebel na pinagbibidahan ni Anne Curtis with Gerald Anderson at Sam Milby kasama sina Dawn Zulueta, AiAi de las Alas, Zsa Zsa Padilla, Gabby Concepcion, at marami pang iba na pinamahalaan nina Don Cuaresma at Francis Pasion.
Hindi issue kay Andi kung gumaÂganap man siyang konÂtrabida sa ibang female leads considering na nagbibida na rin siya sa iba niyang teleserye.
Zsa Zsa at Albert hindi nababakante
Sina Zsa Zsa Padilla at Albert Martinez ay mag-asawa sa nagtapos na Juan de la Cruz na piÂÂnagÂbidahan ni Coco Martin. Magkasama rin sila sa Dyesebel. Parehong hindi nawawalan ng TV proÂÂjects sina Albert at Zsa Zsa sa bakuran ng ABS-CBN.
Sa rami ng mga tumatakbong serye ng KapamilÂya network, karamihan sa kanilang mga contract stars ay hindi nawawalan ng trabaho.
- Latest