Nagbayad ng P60,000 pinakulong na katulong ni Claudine, pinalaya ni Gretchen

MANILA, Philippines - Nakalabas na pala ng kulungan ang katulong na naipa­kulong ni Claudine Barretto sa salang umano’y pagnanakaw. At alam ba ninyo kung sino ang nagbayad ng piyansa? Si Gretchen Barretto.

Sampung buwan din nakulong sa Marikina City Jail ang 19 years old na si Dessa Pantilan.

Sixty thousand ang binayarang piyansa ni Gretchen para sa dating maid ni Claudine na naakusang nagnakaw ng relos at iba pang mga alahas na nagkakahalaga ng P8.5 million.

Pero kinasuhan din si Claudine ng dati niyang katulong  na umano’y ‘nagnakaw’ ng ilan niyang mga gamit.

Siyempre umiiyak ang da­ting maid at nagpapasalamat kay Gretche­n na laya na siya ngayon.

Kathryn hands on sa kanyang debut

Wala pala sanang planong magkaroon ng malaking party sa kanyang debut si Kathryn Bernardro, pero naiba ang lahat nang ang kanyang pamilya at close friends ay bigyan siya ng hand to mount grand birthday celebration.

Gaganapin ang kanyang grand debut sa March 29, Saturday, sa The Blue Leaf Filipinas. Sa March 26 ang actual birthday niya.

Modern-Filipino architecture ang magiging design ng venue with beautiful gardens para maging refreshing ang kapaligiran,

Personal ang ginagawang pakikialam ni Kathryn sa pre­paration ng kanyang debut para masigurong magiging special moment iyon hindi lang sa kanya kundi para na rin sa mga kapamilya at mga kaibigan niyang  dadalo. Maging sa theme, invitations, giveaways, etc. ay hands-on ang Teen Queen.

Pinili rin niya ang modern vintage at theme at motifs ang black, white and pink.

Ang kanyang debut gowns ay ginawa nang mga sikat na designer na sina Francis Libiran and Vania Ramoff.  

Highlights ng debut ay and 18 Roses and 18 Candles na sasalihan ng kanyang mga kaibigan sa loob at labas ng showbiz

Panoorin ang birthday celebration ni Kathryn  this Sunday, March 23 on ASAP 19 and the exclusive cove­rage of her debut entitled #Kathryn18 My 18th Birthday Vlog on April 6, ABS-CBN Sundays Best. 

 

Show comments