MANILA, Philippines - Puno ng positive vibes ang hatid ng programang Good News ngayong Lunes sa GMA News TV.
Dahil tag-init na, tampok sa Good News ang mga bakasyunan na malapit lang sa Metro Manila pero nag-uumapaw sa adventure at ganda ng likas na yaman. Tunghayan rin ang mga DIY (do it yourself) games at laruan na swak sa bonding time kasama ang mga tsikiting dahil bukod sa nakakaaliw ang mga ito ay may mga matututunan rin ang mga bata.
At kung ang akala ng marami na ang turnilyo ay para lamang sa pagkukumpuni ng mga gamit, sa Good News mapapanood kung paano ito gawing accessory. Pero bukod sa mga kakaibang kuwintas, hikaw, at bracelet, ang mga turnilyo ay puwede ring magpaganda pala ng tahanan.
At dapat ring abangan ngayong Lunes ang Good News Honesty Store. Ito ang tindahan na walang nagbabantay na tindera na ipinuwesto ng Good News sa mga lugar na may pinakamataas na insidente ng nakawan. Maging tapat kaya ang mga tao rito sa pamimili?
Tunghayan ang mga ito sa Good News kasama si Vicky Morales ngayong Lunes, 8 p.m., sa GMA News TV.