Yassi Pressman dumaan sa kamay ni Pen Medina

MANILA, Philippines - Sa tindig at face value pa lang, mapapalingon na kina Andre Paras at Yassi Pressman. Ngayon, patitibukin naman nila ang inyong puso sa kanilang papel na Chad Jimenez at Lorraine “Lory” Keet o tambalang LorHad sa movie adaptation ng No. 1 best-selling book na Diary ng Pa­nget.     

Unang nakilala si Andre bilang anak ng hinahangaang former basketball player na si Benjie Paras. Tulad ng ama, UP student din ang 6’4” tall na binata at kabilang sa UP Fighting Maroons basketball team at kumukuha ng kursong film. Kalagitnaan ng 2013 nang maging Viva talent si Andre, at dumating na nga ang kanyang first big break – ang role ng hopeless romantic na si Chad sa Diary ng Panget: The Movie. 

Isa si Chad sa mga “in crowd” nang guwapo at sikat sa Willford Academy. Higit sa lahat, isa siyang mabu­ting kaibigan kay Eya, ang bida ng kuwento, na ginagampanan ni Nadine Lustre. Kahit hindi kagandahan at mahirap lang si Eya, hindi ito mahalaga kay Chad, kaya naman nagka-crush sa kanya ang dalaga. Pero si Chad ay in love kay Lory.

Bagay na bagay sa half-Filipina, half-British beauty na si Yassi ang kanyang papel na Lory dahil ito ay galing rin sa British family. Naging kaibigan ni Lory si Eya simula nang ipagtanggol niya ito sa mga campus bully. Pagdating sa love, walang fee­lings si Lory para kay Chad dahil ang gusto niya simula pa pagkabata ay si Cross, ang student council president at star athlete ng Willford Academy, na siya namang boss ni Eya. Si Cross ay ginagampanan ni James Reid. 

Bilang aktres, lumabas si Yassi sa Paraiso Ko’y Ikaw at Tween Hearts ng GMA. Napakita rin niya ang kanyang hosting and dancing skills sa mga programang Party Pilipinas at Sunday All Stars. Ngayon, siya ang regular host ng MTV Shoutout sa MTV Pinoy.

Magandang development para sa career ni Yassi ang pagiging parte ng Diary ng Panget movie kaya naman talagang pinaghandaan niya ito. Kasama ng kanyang tatlong co-stars, nag-acting workshop siya sa beteranong aktor na si Pen Medina. 

Marami na ang nag-aabang ng kanilang pelikula, at damang-dama nina Andre at Yassi ang excitement ng mga tagahanga sa naganap na Diary ng Panget: The Movie nationwide caravan sa Market Market, Cebu, at Subic.  

Abangan muli sila sa Farmers, Cubao, Quezon City sa March 22; SM Manila, March 23; SM Bacoor, Cavite, March 29; SM Fairview, Quezon City, March 30; Trinoma, Quezon City, April 4; at SM Sta. Rosa, Laguna, April 5. 

Saksihan ang cool na cool na pagganap nina Andre at Yassi sa Diary ng Panget: The Movie, ang hottest romance comedy ngayong summer, directed by Andoy Ranay. Mapapanood na ito simula April 2.

 

Show comments