MANILA, Philippines - Hindi isang Kapamilya actress ang napili para maÂging leading lady ni Vhong Navarro sa bago niyang Star Cinema movie na Da Possessed.
Si Solenn Heussaff nga na exclusive talent ng GMA 7 ang leading lady ng comedian/TV host sa pelikula ng film outfit ng ABS-CBN.
Noong una, ang dating Kapuso sexy star na si Ellen Adarna na lumipat sa Dos ang dapat sana ay kapareha ni Vhong sa nabanggit na proyekto pero inamin ng comedian/TV host na hindi ito komportable na makaeksena ang sexy star dahil malapit itong kaibigan ni Cedric Lee, ang businessman na itinuturo niyang utak sa pambubugbog.
Nang mawala sa proyektong ‘yon si Ellen, napabalitang si Jessy Mendiola na ang pumalit sa sexy star pero itinanggi ‘yon ng direktor ng Da Possessed na si Bb. Joyce Bernal.
Ayon kay Bb. Joyce, iba ang kinukuha nila at nabanggit din ang pangalan ng isa pang sexy star, si Cristine Reyes, ang problema lang daw nila ay ang schedule ng Viva artist dahil marami itong ginagawa at malamang na hindi makapag-adjust para sa shooting ng kanilang horror/coÂmedy moÂvie.
Sabi nga sa akin ni Bb. Joyce noong Linggo, hindi pa siya sure kung sino talaga ang final na leading lady ni Vhong hanggang maikuwento nga sa akin ng isang malapit kay Solenn na ito na ang bagong kapareha ng comedian/TV host.
Bale ngayong araw na ito ang first shooting day ni Solenn para sa pelikulang ‘yon.
Walang probleÂma sa Siyete kung gumawa man ng pelikula sa Star CiÂnema si Solenn dahil tanging sa telebisyon lang may exclusive contract sa kanila ang sexy actress/singer.
Sa Regal Entertainment, Inc. may exclusive contract si Solenn pero, ayon sa manager niyang si Leo Dominguez, nagpaalam sila sa nabanggit na movie outfit at all set na nga ang dalaga sa proyekto ng Star CiÂnema.
Excited daw si Solenn para sa unang pelikula niya sa Star CiÂnema.
Samantala, sikreto pa rin ang location ng shootings ng Da Possessed para masigurado ang security ni Vhong.