Charice tanggap sa animated Hollywood film kahit lesbiyana pa at may karelasyon

Masaya at nakahinga ng maluwag si Charice dahil hindi naapektuhan ang international career niya sa kabila ng pag-out niya ng kanyang kasarian. Bagama’t ang naging epekto nito sa kanya rito sa ating bansa ay ang pag-aaway nilang mag-anak, ang career din naman niya ay nasubok pero natanggap ng kanyang mga kababayan.

May takot siyang naramdaman nang bumiyahe siya pa-US para sa isang trabaho para sa Sony Pictures na kung saan ay siya ang napusuang kumanta ng theme song ng animated film na The Swan Princess: A Royal Family Tale.

“Isang pambatang movie ito. Naka­ramdam ako ng takot na baka dahil umamin akong gay ay ayawan na nila ako. Dahil para sa mga bata ang project kako eh baka hindi ma­ging maganda ang pagtanggap nila sa akin. Hindi pala, mainit pa rin nilang sinalubong ang pagbabalik ko,” masayang kuwento ng 21 taong gulang na pride ng Pilipinas sa larangan ng pagkanta.

Bukod sa pag-awit ng theme song ng isang pambatang pelikula, mara­ming nakatakdang trabaho na dapat gampanan si Charice sa Amerika.

Matteo tikom ang bibig sa relasyon sa magulang ni Sarah

Mukha namang hindi bibiguin ni Matteo Guidicelli si Sarah Geronimo na tulad ng naranasan sa mga naunang manliligaw niya. Nagsisimula na itong ipaglaban ang relasyon nila na sa tingin ng marami ay may basbas ni Sarah. Wala na itong takot maging sa mga magulang ng singer na hanggang ngayon ay ayaw pa rin siyang bigyan ang kalayaan sa pag-ibig.

“Lumaki ako na binigyan ng karapatan ng aking mga magulang na gumawa ng desisyon at maging independent nang dumating ako sa age of maturity. Hindi naman lahat ng mga naging desisyon ko were successful. May mga pumalpak din pero sa mga ganung pagkakataon, nan­dun sila para suportahan ako. At bawat pagkakadapa ko, natuto naman ako ng maha­lagang leksiyon,” sabi ng aktor na hindi na maaaring i-deny ang relasyon dahil nakikita na silang magkasama in public, like when they attended a church service.

“Wala naman kaming dapat ipaliwanag pa. We just decided to go,” sabi ng aktor.

Pero kung anumang relasyon meron siya sa mga magulang ni Sarah ay ayaw muna niyang pag-usapan, “Respetuhan lang,” ang hiling niya.

Meg, excited na mapanood na puno ng balahibo

Kung sa pelikula ay ang Viva ang naglunsad kay Meg Imperial sa pelikukang Menor de Edad, sa TV ay tatangkain ng ABS-CBN na gawin siyang isang aktres na maganda at sexy sa teleseryeng Moon of Desire, isang palabas tungkol sa isang babae na may kakaibang karamdaman, ang pagkakaro’n ng buhok sa buong katawan. At hindi sila nakikisama sa uso sa TV ngayon na paggawa ng mga palabas na ang mga bidang babae ay may mga kakaibang sakit, ito lamang ang clamor ng mga manonood sa hapon.

Ayaw nilang basta nanonood na lamang. Gusto nilang pinag-iisip din sila. Ngayon pa lamang ay excited na sila kung paanong ang isang balbuning babae ay makapang-aakit ng mga lalaki na kasing guguwapo nina JC de Vera, Dominic Roque, at ang baguhang si Miko Raval.

May mga love scene pa siyang ginawa na kung saan ay puno siya ng bala­hibo. Pero dahil panghapon ang palabas ay hindi maaaring itodo ang kaseksihan ni Meg, isang dahilan kung bakit kampante siyang magpa-sexy role dahil hindi puwedeng itodo dahil baka may mga nanonood na bata.

G at Joyce maghihiwalay na walang samaan ng loob

Okay na rin si Joyce Ching kay G Toengi. Si Gabby Eigenmann ang gumawa ng paraan para mawala ang ilangan sa pagitan nilang dalawa na nagsimula nang tawagin ni Joyce na tita si G, na ayaw pala nito. Dinala ni Gabby si Joyce sa tent ni G at hindi at hindi nakaiwas ang mas nakatatandang artista na tanggapin ang pagpapakumbaba ni Joyce.

Ngayon ay mas palagay na ang loob ng dalawa sa kanilang pagtatrabaho na magkasama sa Paraiso Ko’y Ikaw. At magwawakas ang serye na walang hidwaan among its cast.

 

Show comments