Chris Cayzer huli na nang magsalita sa sinapit sa kulungan; Backstreet Boys interesadong mag-reunion sa Manila
SEEN: Nag-trending noong Biyernes nang gabi ang #GoodbyeHonesto, ang finalé episode ng top-rating drama series ng ABS-CBN.
SCENE: Sama-samang pinanood ng cast at crew ang pagwawakas ng Honesto, pagkatapos ng thanksgiving mass. Nagustuhan ng televiewers ang music video ng Pananagutan na inawit ng mga artista at crew ng Honesto.
SEEN: Interesado ang mga member ng Backstreet Boys na magkaroon sila ng reunion concert sa Manila.
Ang Backstreet Boys ang boy band na sumikat sa buong mundo noong dekada 90.
SCENE: From pink to coral orange ang approved color ng mermaid tail ni Anne Curtis sa Dyesebel. Ni-reshoot ang mga eksena ni Anne dahil pinalitan ang kulay ng kanyang buntot.
SEEN: Ang panalangin ng direktor na si Chito Roño na huwag magkaroon ng obstruction of justice sa mga kaso ni Vhong Navarro laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, et al.
Si Chito ang manager at tatay-tatayan ni Vhong.
SCENE: Ang super delayed clarification ng Fil-Australian singer na si Chris Cayzer tungkol sa pagkakabilanggo niya sa Mandaluyong City Jail noong July 2013 dahil sa trespassing: “To those who thought I got raped in jail, buying cigarettes and Shakeys for inmates told a completely another story!! Haha.â€
SEEN: Bukas ng gabi, 9:45 p.m. ang airing sa Sunday’s Best ng ABS-CBN sa kontrobersiyal na 30th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club.
SCENE: Nalampasan na ni Glenda Garcia ang six-cycle chemotherapy para gumaling ang kanyang Stage 2 breast cancer.
Malakas ang pananalig ni Glenda sa Diyos kaya naniniwala siya na completely healed na ang kanyang karamdaman.
- Latest