PIK: Simula ngayon ng bagong episode sa Kap’s Amazing Stories ni Sen. Bong Revilla, Jr.
Nasa episode one ng Weapons of the Wild ang mapapanood mamayang gabi sa Kap’s Amazing Stories, pagkatapos ng 24 Oras Weekend.
Kakaibang kuwento tungkol sa pusang may pinakamatalas na ngipin, mammal na may pinakamalakas na kagat ang ilan sa tatalakayin sa naturang educational program.
PAK: Kinuwestiyon ng abogado ni Jose Manalo na ipinarating pa sa media ang diumano’y tangkang pagpapatiwakal ng 17 years old na anak ng kanyang kliyente.
Minor kasi ito kaya bakit daw ipinarating agad sa media, na sa katunayan ay kaagad na nagpa-interview sa isang radio program ang abogado ng asawa ni Jose na si Annalyn?
Bahagi ng statement na ipinadala ng abogado ni Jose: “Nakakalungkot din na ang mga pagsubok na ito sa pagitan ni Jose at ng pamilya ay nakaakit ng hindi kanais-nais na atensiyon mula sa media. Makakahadlang lamang ito sa maayos at payapang paglutas ng kanilang mga suliranin. Higit sa lahat, hindi ito makakabuti sa kapakanan ng kanilang mga anak.â€
Sa statement ding iyon ay pinabulaanan ni Jose ang sinabi ng kampo ni Annalyn na nagkulang ito sa pagbigay ng sustento lalo na sa tuition ng mga bata.
Nilinaw nitong hindi nagkulang si Jose sa pagbigay ng suporta sa kanilang anak.
Mula sa suweldo nito sa Eat Bulaga ay diretsong ipinarating ito sa eskuwelahan ng mga bata na inaayos ng kanyang abogado.
Nakiusap si Jose sa media na sana bigyan sila ng kanyang pamilya ng pagkakataong maayos ang mga pinagdaanan nila sa pribado at tahimik na paraan.
BOOM: Malapit nang magkita uli sina Raymart Santiago at Claudine Barretto sa korte dahil ang dinig namin sa susunod na buwan na magri-resume ang pagdinig sa kanilang kaso.
Sabi ni Raymart, alam daw niya kung kailan uli ang hearing pero ayaw na niyang sabihin pa dahil mas gusto sana niyang sa kanila na lang ang pagdinig ng mga kaso na hindi na ipinaparaÂting sa media.
May nakakarating naman kay Raymart na kuwento tungkol sa dating asawa pero hindi raw niya tiyak kung alin doon ang totoo.
Ang tanging concern lang daw niya ay ang kanyang mga anak na sana makasama na raw niya ito sa lalong madaling panahon.
“Nandito lang naman ako para sa mga bata. ’Yun ang ipi naglalaban ko, ang kaligtasan ng mga anak ko,†makahulugang pahayag ni Raymart.