Walang karelasyon ngayon si AiAi delas Alas pero naikuwento ng aktres na tinutukso raw silang dalawa ngayon ni Dennis Trillo lalo pa’t single rin ang aktor ngayon. Posible kaya na lumabas o mag-date ang dalawa?
“Oo, si Dennis naman single ‘yon. Niloloko nila ako kay Dennis kasi single ‘yon. Wala namang sabit ’yung tao. So, lahat may possibility naman,†nakangiÂting sagot ni AiAi.
“Si Aga (Muhlach) ang nanloko sa aming dalawa kasi magkatabi kami (sa Star Awards) ’tapos sinakyan ko na lang si Aga and game naman siya,†kuwento ng aktres.
Masasabi raw ni AiAi na boyfriend material talaga si Dennis.
“Oo naman,†mabilis na dagdag ng Concert Comedy Queen. “Si Dennis ang pogi-pogi. Mabait, magaling umarte, magaling na artista. O ikaw na, hindi ba? Sino ang hindi magkakagusto sa kanya?â€
Samantala, hindi naman daw naghahanap ang aktres ngayon ng bago niyang makakarelasyon. Mag-iisang taon na rin mula nang magkahiwalay sila ng dating asawang si Jed Salang.
“Hindi hinahanap ’yon. Darating ’yon ng kusa. Magwa-one year na rin sa May na hiwalay ako, divorced na rin ako. I need to move on. Ang sarap, wala kang stress hindi ba?†pagtatapos ng aktres.
Andi nagpapakatotoo, inambisyon ding maging Dyesebel
Simula bukas ay mapapanood na sa Primetime Bida ng ABS-CBN ang teleseryeng Dyesebel na pinagbibidahan ni Anne Curtis. Kabilang din sa nasabing proyekto si Andi Eigenmann na gaganap bilang isang kontrabida. Aminado si Andi na pinangarap din niyang gumanap bilang si Dyesebel.
“I will be honest, lahat naman yata ng babaeng artista ay hahangaring maging Dyesebel. Pero okay lang po sa akin kung hindi because Anne more than deserves it. She is very beautiful and I know na kayang-kaya niyang bigyang katarungan ang pagsasatao kay Dyesebel,†pagtatapat ni Andi.
“At the same time masaya po ako dahil ang hangad ko po sa industriya ay maibahagi ko ang kaya kong gawin and I believe in this concept. I believe in this story. So I’m honored to be part of it.â€
Magtatapos na rin ngayong buwan ang Galema, Anak ni Zuma na pinagbibidahan ni Andi. Hindi naman nahirapan ang aktres na mag-adjust sa kanyang bagong role sa Dyesebel.
“Para sa akin hindi siya mahirap as long as I want what I’m doing. The very reason why I accepted the role was because I knew that I will enjoy it. The adjustment wasn’t a problem at all. Hindi ko naman tatanggapin ’yung role kung alam kong hindi ako mapapabilang sa isang kÂuwentong napakaganda at talagang susubaybayan ng mga manonood at kung hindi itong (mga artista) kasama ko ngayon ang makakasama ko. So, parang the adjustment part isn’t supposed to be the question. Masaya ako na nakikita ng management kung gaano ako ka-dedicated sa trabaho ko,†paliwanag ni Andi. Reports from JAMES C. CANTOS