Toni tinutuldukan na ang pakikipagtrabaho kay Piolo
Matapos maging certified blockbuster hit ng pelikulang Starting Over Again nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga ay isang album naman ang nakatakdang gawin ng aktres.
“Actually, we started the album last year pa kaya lang because of the schedule and demand na kailangang tapusin ang pelikula, na-hold ang mga song na dapat i-record. Ang target talagang release ng album ay November of last year. We are really, really happy na after ng movie ay saka siya mare-release,†bungad ni Toni.
“So far wala pa siyang working title but overall it’s a feel good album. Something that is easy listening. You can play it in the car. Basta kung gusto mo ng album na mase-set ka sa good mood, you want to smile, have a good day, ’yun ang feel ng buong album. Actually, we are almost done sa album. I think one last song na lang and we are go to release.â€
Marami ang nagtatanong kung magkakaroon ba ng part two ang kanilang pelikula ni Piolo. Payag kaya si Toni na muling makatambal ang aktor?
“Kami ni PJ (Piolo) pinag-uusapan namin ’yan. Personally, ayaw na namin. Parang gusto na namin siyang tapusin nang ganoon. Masyadong madaÂming pinagdaanan ang characters nila. Masakit, masyadong malalim ang alaala na binuo nila, parang gusto naming tapusin doon. Pero, siyempre, everything is depende sa management kung ano ang desisyon nila,†paliwanag ng aktres.
Diego mangbu-bully para mainis ang manonood
Matagal-tagal ding hindi napanood sa telebisyon ang anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga na si Diego Montano. Kasabayan ng binata noon sa youth-oriented show na Growing Up sina Julia Montes, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla. Pansamantalang nawala si Diego at ngayon ay muÂling magbabalik sa teleseryeng Mira Bella na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Enrique Gil. Wala namang pinagsisisihan ang aktor kung matagal man siyang hindi nakagawa ng mga proyekto.
“I don’t regret anything. Everything happens for a reason naman po. I’m so happy for them. Lagi kong nakikita sa Twitter, sa TV, sina Kathryn at Daniel. I’m so happy for you guys. Sana nakasabayan ko sila. We all have our own time naman to shine,†nakangiÂting pahayag ni Diego.
Pinayuhan daw ang binata ng kanyang mga magulang na tapusin muna ang pag-aaral bago muling sumabak sa show business. Isang kontrabida raw ang gagampanan ni Diego sa bagong serye.
“I’m one of the boys. Kakaiba ’yung role ko roon. Hindi na ako boy next door. Medyo bad guy ako roon. It’s a high school setting, bully siya. Gusto ko talaga mainis ’yung mga manonood sa akin. Inaabangan ko nga po ’yun,†pagtatapos ni Diego. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest