^

PSN Showbiz

Vice Ganda ayaw isoli ang award dahil bayad na?!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Tama lang ’yung sinasabi ni Vice Ganda na never niyang isosoli ang best actor trophy niya mula sa Star Awards ng Phi­lippine Movie Press Club (PMPC). Hindi naman niya ’yun hiningi. Walang dahilan para isosoli niya.

Kaya lang sana ay hindi niya ginagamit na dahilan nang hindi niya pagsosoli ng kanyang award ay dahil binili niya ’yun kaya kanya na. Unfair naman sa PMPC.

Andre natatandaan ng mga tao na galit sa ina

Poor Andre Paras! Hanggang ngayon hindi pa rin nakakalimutan ng tao ’yung naging pahayag nilang magkapatid tungkol sa kanilang ina na si Jackie Forster nung una silang ipakilala sa madla. Hanggang nga­yon ay dinadala pa rin ng lahat ang hindi nila magandang reaksiyon sa kanilang ina na sa ating mga Pi­noy ay lubhang napaka-mahalaga, ­ ang naging pagkakasala ng ina nila sa kanilang magkapatid.

ln due time, makakalimutan din ng lahat ang mga pangyayari. Basta lang huwag na lang nilang dagdagan pa ang pag­sasabi nila ng galit, tampo, o anumang damdamim para sa kanilang ina.           

Lucy at Charlene nami-miss na sa pagsasayaw

Ang daming nakaka-miss ng dance show na pinasimulan noon ng Channel 7 sa pangunguna ni Chito Feliciano. Nang ang TV5 naman ang gumawa nun ay tinangkilik din. Kahit hindi Pinoy sa mga sayawang palabas, napaka-perfect host noon ni Dayanara Torres na magaling ng dancer ay maga­ling pa ring host. Pero ’di rin pahuhuli ang mga sumunod na dance show and host ng TV5 na sina Charlene Gonzales at Rep. Lucy Torres-Gomez.

At ngayon, may plano na namang bagong dance show for the beauteous congresswoman from Leyte ang TV5 muli. Let’s hope na makatighaw (lalim no?!) ito sa kasabikan ng manonood para sa isang new dance program. At present ay nagkakasya na lang sila sa reruns ng Keep on Dancing ng ABS-CBN sa Jeepney TV.           

Matteo hinihintay lang ipakita ang pagseseryoso kay Sarah

Sana nga totohanin ni Matteo Guidicelli ang pramis niya na ipaglalaban si Sarah Geronimo sa mga magulang nito na hindi lang sa kanya may ayaw kundi sa lahat ng nanligaw kaya baka kapag nakita ng parents na serious sa kanyang intensiyon sa anak nila ay pabayaan na nila sila.

Tutal pareho na naman silang nasa hustong gulang na ni Sarah.

                            

vuukle comment

CHARLENE GONZALES

CHITO FELICIANO

DAYANARA TORRES

HANGGANG

JACKIE FORSTER

LUCY TORRES-GOMEZ

MATTEO GUIDICELLI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with