^

PSN Showbiz

Para pansinin ng ama anak ni Jose Manalo dalawang beses nang nagtangkang magpakamatay?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Bukod sa pagkanta, isa sa na-enjoy nang husto ni Regine Velasquez sa ilang episodes ng Sarap Diva ay nakakapagsayaw pa siya, habang naghahanda ng specialty na pagkain ng mga special guest.

Bukas ng umaga sa Sarap Diva ay throwback ng cool na sayaw ng ’80s at ’90s ang mapapanood sa mga special guest ni Asia’s Songbird na sina Jojo Alejar, Joshua Zamora ng Maneouvers at Wo­wie de Guzman ng Universal Motion Dancers na naghanda rin ng kanilang special dish gaya ng macaroni and corned beef soup ni Jojo Alejar.

PAK: Inamin ni Carla Abellana na talagang nagkakaproblema sila ni Geoff Eigenmann sa kanilang relasyon pero hindi naman daw sila break.

Nakausap namin si Carla sa opening ng nail spa niya, ang The Nail Box sa Sct. Gandia, Quezon City.

Sabi ng Kapuso actress, ginagawa naman daw nila ang lahat na dapat nilang gawin para magkaayos sila at hindi matuloy sa breakup.

Tingin naman daw niya maaayos dahil pareho naman daw sila ni Geoff na gustong ma-save ang kanilang relasyon.

“Lagi naman kasi kami may problema po. Kumbaga, it’s a phase. It goes on regularly. Hindi naman ho kami always forever happy, ’di ba? May mga times na nagkakaproblema.

“Mahirap ho talaga pero, kumbaga, at the end of the day malalagpasan n’yo naman ’yun eh as long as napapag-usapan nang maayos,” pahayag ni Carla.

Nilinaw din niyang walang third party involved sa isyu nila ni Geoff. Hindi nga lang daw nila ikinukuwento sa lahat tuwing nagkakaproblema sila.

BOOM: Marami ang nagdududa sa kumalat na balitang nagtangka raw magpakamatay ang anak na babae ni Jose Manalo.

Sa edad na 17 years old ay dalawang beses na raw nagtangkang magpakamatay itong anak ng comedian/TV host dahil sa sobrang disappointment kay Jose.

Ang nakakaduda lang, pagkatapos isinugod sa hospital ang menor de edad dahil sa na-overdose raw ng kung anu-anong gamot, kaagad na nakarating ito sa media dahil sa kinumpirma agad ng abogado ng asawa ni Jose na si Analyn Manalo.

Pagkatapos nito ay ipinorward pa nila ang suicide note raw ng anak ni Jose.

Nakasaad doon sa suicide note ang hinanakit sa kanyang ama dahil sa hindi na raw sila pinapansin.

Ginawa raw niya iyon para sa bunsong kapatid na sobrang nami-miss na raw ang kanilang ama.

Base sa suicide note na ipinadala sa amin, ma­a-­­ yos ang pagkasulat at parang na-edit nang maayos, na nakakadudang gawa ito ng isang disi-siyete.

As of presstime, wala pang ibinibigay na statement si Jose o ang kampo nito.

                                                    

 

vuukle comment

ANALYN MANALO

CARLA

CARLA ABELLANA

GEOFF

GEOFF EIGENMANN

JOJO ALEJAR

JOSE MANALO

SARAP DIVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with