Heart magkakaroon ng first ever art exhibit sa Ayala Museum!

Ang pagiging art painter ang bagong career ni Heart Evangelista na nag-uumapaw ang kaligayahan dahil magkakaroon siya ng first ever art exhibit.

May reason para  maging maligaya si Heart dahil sa Ayala Museum’s Artist Space  lang naman ang kanyang unang art exhibit sa May 8 hanggang May 21.

Kung hindi ako nagka­kamali, si Cesar Montano ang isa sa mga unang artista na nagkaroon ng art exhibit sa Ayala Museum at pangalawa si Heart.

Tamang-tama na walang teleserye na ginagawa ang aktres kaya makakapag-concentrate sa pagpipinta at madagdagan ang mga ilalagay niya sa art exhibit.

Siguradong susuportahan ni Sen. Chiz Escudero ang art exhibit ng kanyang talented girlfriend. Susuportahan ko rin ang art exhibit ni Heart bilang co-host ko siya sa Startalk at siyempre haharbatan ko siya ng art work niya  bago pa ito magtaas ng presyo.

Mystery BF ni Mickey Ferriols kapatid ng sikat na broadcast journalist

Ayaw i-reveal ni Mickey Ferriols ang name ng kanyang mystery boyfriend pero nabasa ko na nag-dialogue siya na gusto na niya na magkaroon sila ng anak.

Actually, sinabi naman ni Mickey ang name ng kanyang dyowa sa mga reporter na nakausap niya sa presscon ng Kambal Sirena pero nakiusap siya na huwag nang isulat para hindi makaladkad sa intriga ang kapatid ng mhin.

Sikat na broadcast journalist ang kapatid  ng boyfriend ni Mickey na tila iniiwasan na madamay sa showbiz issues ang kanyang future sister-in-law. Maayos naman ang pakiusap ni Mickey sa mga reporter kaya pinagbigyan ang kanyang request na huwag nang banggitin ang name ng may “K” na broadcast journalist.

Followers NI Vhong dumami pagkabugbog

Wala ng mga pasa sa mukha ni Vhong Navarro kaya bumalik na siya sa It’s Showtime at nag-resume na ang shooting ng pelikula na ginagawa niya sa Star Cinema.

Overwhelmed si Vhong dahil umabot na sa two million ang followers niya sa Twitter at para sa kanya, malaking bagay ito dahil sinusuportahan siya ng mga tao sa kanyang mga kaso laban sa grupo ni Cedric Lee at ng mga babae na nagdemanda ng pang-aabuso.

Kahapon ang preliminary investigation sa rape case na isinampa ni Roxanne Cabañero laban kay Vhong.

May request ang lawyer ni Cabañero kung puwede siya na magpainterbyu sa Startalk tungkol sa kaso na isinampa ng kanyang kliyente laban kay Vhong. Mapapanood sa Startalk sa darating na Linggo ang full report sa naganap na preliminary investigation.

Dating magkarelasyong young stars parang hindi na magkakilala

Iritable pa rin ang young actress sa kanyang ex-boyfriend na young actor. Magkasama ang dalawa sa isang Sunday noontime show pero parang hindi sila magkakilala kapag nagkikita sa studio.

Mukhang matindi ang kasalanan ng young actor sa girlfriend na sumigla ang takbo ng career nang maghiwalay sila. Ayaw sabihin ng young actress ang tunay na dahilan ng breakup nila ng young actor pero imbes na mag-emote, dapat na magpasalamat siya dahil dumami nga ang kanyang mga project.

Child haus meron na ring counseling para sa mga bata

Ang pamilya ni Hans Sy ng SM Development Corporation ang number one benefactor ng Child Haus, ang favorite charity organization ni Mother Ricky Reyes.

Hindi lamang ang magandang bahay ng Child Haus sa Quezon City ang ibinigay ni Papa Hans dahil siya rin ang nag-facilitate ng home programs para sa children’s counseling.

Malaking tulong ang counseling dahil hindi nakararamdam ng depression ang mga bata na may sakit na kanser at na-prove ko ‘yan nang magpunta ako sa Child Haus noong nakaraang taon, kasama sina Mother Ricky at Sen. Cynthia Villar.

 

Show comments