Raikko may matutuklasan kay Paulo

MANILA, Philippines - Puno ng inspirasyon at aral ang handog ng top-rating Primetime Bida drama series ng ABS-CBN na Honesto sa pagtatapos nito ngayong Biyernes (Marso 14). Mas iinit ang mga tagpo sa huling linggo ng Honesto dahil sa pagkakatuklas ni Honesto (Raikko Mateo) na si Diego (Paulo Avelino) ang kanyang tunay na ama at ang pagtindi ng kasamaan ni Hugo Layer (Joel Torre).

Paano bubuuin ni Diego ang kanilang pamilya ngayong siya ay idinidiin ng kanyang sariling ama sa kasalanang hindi niya ginawa? Sa huli, matuturuan ba ni Honesto si Hugo na magbago at mamuhay nang tapat at totoo?

Huwag palampasin ang pinaka-aabangang pagtatapos ng Honesto ngayong Biyernes sa ABS-CBN Primetime Bida.

Show comments