MANILA, Philippines - Binigyan ng belated birthday celebration with the press si Julia Barretto at advanced birthday celebration naman si Enrique Gil last Tuesday ng Dreamscape Entertainment na producer ng fantaserye nilang Mira Bella. Bukod sa masaganang meryenda, nakasama nina Julia at Enrique sa rides at games ang press at fans sa Play Land ng Fisher Mall sa Quezon Avenue, Quezon City.
Seventeen years old si Julia nung Monday habang si Enrique ay 22 years old sa Sunday. Limang taon man ang agwat nila, magkasundo sila to the max sa taping ng Mira Bella. Sa totoo lang, tatlong buwan tini-tape ang series nila na sa Marso 24 ang telecast.
Pagdating sa bithday ni Julia, “It was fun naman! I was with family and friends. It was such a simple night and we enjoyed naman!†Si Enrique o Ken naman, masasabay sa ASAP ang birthday niya. Eh darating ang kamag-anak niya from Spain sa April kaya isasabay na lang niya ang malaking handaan.
Eh kumusta naman silang dalawa? “We’re cool! Solid!†sabi ni Enrique.
“Okay naman si Ken. Kasing kulit ko rin! Masaya siya sa set. Masyang katrabaho,†tugon ni Julia. Puwede na bang maging boyfriend si Enrique? “We’ll see! Hahaha! But Ken and I are just getting close as friends. Hindi pa namin pinag-iisipan right now,†saad ng young actress. Aminado naman si Enrique na puwede naman silang ma-develop ni Julia. “’Di ba ’pag may ka-love team ka lagi mong kasama, kaeksena? Pero nasa stage kami na laging may nalalaman na bago. Ganoon pa palang kami,†rason ni Enrique.
Hindi naman daw nahirapan si Enrique na maging malapit kay Julia.
“Open naman si Julia. Maharot, ganyan! Hahaha! ’Pag nagkukulitan kami, Ayyy, doon kami solid,†bulalas ni Enrique.