^

PSN Showbiz

Isabelle tinalbugan ang inang si Gloria Diaz pagdating sa aktingan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Walang kumuwestiyon sa award na natanggap ni Isabelle Daza na New Movie Actress of the Year mula sa 30th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) dahil impressive naman talaga ang acting niya sa Sarah Geronimo-John Lloyd Cruz Movie noong 2013, ang It Takes a Man and a Woman.

Hindi lamang ang acting ni Isabelle ang napapansin dahil malaki na rin ang improvement niya bilang co-host ng Eat Bulaga. May mga nagsasabi nga na mas mahusay na aktres si Isabelle kesa sa kanyang nanay na si Gloria Diaz noong bagong salta ito sa showbiz.

 

Direk Chito malinis sa pagkakapanalo

Congrats kay Chito Roño dahil siya ang nanalo na best indie director sa 30th Star Awards for Movies para sa Badil na idineklara ring best indie movie.

Sure ako na malinis ang pagkakapanalo ni Chito, as in walang anomalya sa kanyang tagumpay dahil talagang maganda ang Badil.

May public clamor na muling ipalabas sa mga sinehan ang Badil dahil marami ang hindi pa nakakapanood sa award-winning at critically-acclaimed movie ni Chito.

Well deserved ni Chito ang awards na napanalunan dahil parang ito ang naging kapalit ng mga pagod niya sa pag-aasikaso sa malaking problema ng kanyang talent na si Vhong Navarro.

 

Tambalan nina Eugene at Jose bentang-benta

Nag-blow out si Eugene Domingo sa nakaraang taping ng Celebrity Bluff dahil nasa 6th Season na ang top-rating game show niya sa GMA 7. Nagpabili si Eugene ng pansit at cake para sa mga co-host niya at production staff ng Celebrity Bluff.

Happy si Eugene dahil habang tumatagal, lalong tumataas ang ratings ng Saturday night game show niya sa Kapuso Network. Tinatalo ng Celebrity Bluff ang mga kalaban na programa.

Tanggap ni Eugene na mabentang-mabenta sa tele­viewers ang love team nila ni Jose Manalo at isa ito sa mga dahilan kaya marami ang nanonood ng Celebrity Bluff.

Confident si Eugene at ang mga kasamahan niya sa show na tatagal pa ng maraming taon ang kanilang television show na muntik nang matsugi noon.

 

Libro ni Edward sulit na sulit

Mabibili sa mga bookstore ang Eat More, Exercise Less: Your Dream Body Come True sa halagang P799.

Ang Eat More, Exercise Less... ang libro ng aktor at physical fitness director na si Edward Mendez.

Nang isulat ko ang book-signing event ni Edward noong Sabado, marami ang nagtanong sa akin ng presyo ng libro dahil hindi ko pala nabanggit. Sa mga nagtanong, I repeat, very affordable ang P799 price ng Eat More, Exercise Less dahil puwede ninyong ulit-ulitin ang pagbabasa sa helpful book ni Edward. May bonus pa dahil may naka-attach na Sexy Solutions P500 discount voucher sa libro na mabibili sa branches ng National Bookstore at Fu­llybooked.

 

Gladys halos mawalan ng boses tuwing taping

Nanibago kay Gladys Reyes ang mga nanood ng pilot episode ng Kambal Sirena noong Lunes dahil iniba niya ang boses sa kanyang mga eksena.

Hindi madali ang ginawa ni Gladys dahil halos mawalan ito ng boses sa tuwing may taping siya para sa Kambal Sirena.

Nahihirapan siya dahil umaalun-alon ang kanyang dibdib para magmukhang lumalangoy siya habang nakikipag-usap sa mga kapwa sirena.

Kung may ipinagpapasalamat si Gla­dys, malapit sa bahay niya ang studio ng Kambal Sirena. Any moment, puwede siyang umuwi ng bahay or dumalaw sa studio ang kanyang tatlong anak na aliw na aliw sa role niya sa sirena-serye ng GMA 7.

CELEBRITY BLUFF

DAHIL

EXERCISE LESS

KAMBAL SIRENA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with