Marian nababaitan pa kay Roi kahit legs hinihimas ng madiin!

MANILA, Philippines - Hindi nakaramdam ng pagsasamantala si Ma­rian Rivera kay Roi Vinzon sa paghimas-himas na ginagawa sa kanya ng senior actor sa eksena nila sa Carmela.

“Ay, ang bait-bait po ni Tito Roi. Humihingi pa nga siya ng sorry sa akin ’pag medyo napapadiin ang paghimas niya sa akin.

“Eh ’yung hawak niya sa legs ko, ingat na ingat siya. Akala ninyo, hinihimas at pinipisil niya ’yon pero may daya ’yon! Hahaha! Grabe, ang bait niya at magaling na artista talaga! ” tsika ni Marian sa amin.

Magaling na aktres dedma sa female celeb kahit mister inahas dati

Dedma pa rin ang isang magaling na aktres sa pagbati sa isang kilalang female celebrity. Matagal na itong napapansin ni female celeb kahit magkaroon ng okasyon sa kanilang pamilya.

Eh, feeling ni female celeb, nagkaroon ng se­xual encounter ang aktres at ang kanyang asawa. Kaya naman nandoon ang hiya ng aktres na maging chummy-chummy sa kanya.

Ilang taon na rin naman ang nakalipas sa tsismis sa aktres at sa dyowa ng female celeb. Nagtataka lang si female celeb na kahit hindi na niya kinikimkim ang galit sa aktres, nanatili pa rin siyang dedma sa kanya, huh!

Julia tambak na ang endorsements kahit ’di pa umeere ang show

Naloka si John Lapus nang makitang pawang mga bagets ang guests ni Julia Barretto sa kanyang 17th birthday. Nag-behave tuloy siya sa kanyang pagho-host dahil feeling niya, SPG (Strong Parental Guidance) ang rating ng birthday na any moment ay isusumbong siya sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Eh sa gagawing pagharap ni Julia sa press ngayon kaugnay ng promo ng debut series niyang Mira Bella, hindi ang usual na question and answer portion ang magaganap. Iti-treat ng young actress kasama ang leading man sa series na Mira Bella sa mga ride at ibang games bilang bahagi pa rin ng kanyang selebrasyon.

Finally ay eere na ang launching soap ni Julia but take note na  kahit na sa March 24 ang telecast, mabentang-mabenta na siya sa mga TV commercial!

Gerald dinedma ang bati ni Kim

Civil naman pala sa isa’t isa ang dating love team and lovers na sina Gerald Anderson at Kim Chiu. Binati ng young actress ng happy birthday ang dating kapareha habang magkasama silang nagho-host sa ASAP last Sunday.

’Yun nga lang, pagdating sa interview ni Gerald sa Buzz ng Bayan that Sunday afternoon, ang girlfriend na si Maja Salvador ang kanyang pinasa­lamatan sa simpleng birthday surprise na ibi­nigay sa kanya.

Pinigilan na lang ni Ge na palawakin pa ang mensahe kay Maja. Sinabi lang niyang matibay pa rin ang relas­yon nila at walang katotohanan ang tsismis na hiwalay na sila.

Show comments