Vice Ganda at KC parehong hindi natanggap ang tropeo

Parehong wala sa bansa sina Vice Ganda at KC Concepcion sa ginanap na Star Awards for Movies last Sunday evening sa Solaire Resort and Casino sa Pasay City. Nasa New York City, USA si KC at nag-aaral habang nasa California naman si Vice for his series of concerts.

Si Vice Ganda ang nanalong best actor para sa kanyang apat na character sa kanyang filmfest movie na Girl, Boy, Bakla, Tomboy na idinirek ni Wenn Deramas under Star Cinema and Viva Films habang si KC naman ang tinanghal na best actress dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Boy Golden: Shoot to Kill na pinagtambalan nila ng actor-politician na si ER Ejercito at dinirek ni Chito Roño.

Had they been here, hindi siyempre palalagpasin nina Vice at KC na hindi sila mismo ang tumanggap ng kanilang top acting awards. Ang ipinanalo ng dalawa ay parehong entry sa ika-39th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Agad naman nagpaabot ng kanilang pasasa­lamat sa pamamagitan ng kanilang respective Twitter accounts sina Vice at KC.

“Congratulations to Star Awards Best Actress!!!! Kung kelan naman wala tayo tsaka tayo nanalo. Hahaha!!! Ang Saya!!!

“The Year of the Horse indeed!

“Woooowwww! Thank u Lord!

“Thanks to my dear friend Toni Gonzaga for accepting my Star Awards Best Actor trophy,” ang magkakasunod na tweets ay nagmula kay Vice Ganda.

Narito naman ang magkakasunod ding tweets ni KC:

“I’m so GRATEFUL!! Thank u PMPC Awards. Speechless.”

“I just came from church when I saw my phone. Toni G. texted me after the Star Awards announcement. Thank you Tones!!!”

“The Best Actress awards is dedicated to my mother & to all my fans who never left my side, who truly believe in me & continue to inspire me.”

Samantala, kung ang 10,000 Hours ni Robin Padilla ang humakot ng may pinakamaraming awards sa MMFF Awards Night, ang pelikulang On the Job ni Erik Matti ang nakakuha ng pitong awards sa Star Awards for Movies last Sunday evening at kasama na rito ang best picture, best director (Erik Matti), at best supporting actor (Joey Marquez) at tila inisnab naman ang pelikulang pinagbidahan ni Robin Padilla na hindi nakakuha ng kahit isang tropeo.

Iza sobra-sobra ang pasasalamat kina Piolo at Direk Olive

Kahit noong nasa bakuran pa siya ng GMA, Iza Calzado had a chance to work with Piolo Pascual and Direk Olive Lamasan in the movie Milan. Naulit ito sa mega hit movie na Starting Over Again na pinagbibidahan din mismo nina Piolo at Toni Gonzaga at si Direk Olive pa rin ang director. Dahil dito, sobra-sobra ang pasasalamat ni Iza kina Direk Olive at Piolo at sa Star Cinema dahil sa chance na muli silang magkatrabaho. 

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring palabas at tinatao ang Starting Over Again on its fourth week at nearing P400 M na ang kinita ng pelikula.

Balitang muling magkakasama sina Piolo at Iza sa isang bagong teleserye na binubuo ngayon ng ABS-CBN.

Sunud-sunod talaga ang blessings kay Iza magmula nang ito’y maging isang Kapamilya. Bukod sa hit movie, may dalawa siyang hosting jobs ngayon, ang Biggest Loser: Pinoy Edition Doubles at It’s Showtime.

Iza couldn’t ask for more.

Show comments