SEEN: Si Vice Ganda ang best actor (Girl, Boy, Bakla, Tomboy) at si KC Concepcion (Shoot to Kill: Boy Golden) ang best actress ng 30th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club na ginanap sa Solaire Resort & Casino noong Linggo ng gabi.
SCENE: Best picture ng 30th Star Awards for Movies ang On the Job at best director ang On the Job director na si Erik Matti.
SEEN: Ang pasabog ni Jobert Sucaldito tungkol sa anomalya na nangyari sa 30th Star Awards for Movies dahil nagbayad daw siya sa voting members ng Philippine Movie Press Club (PMPC) para manalo si Laguna Gov. ER Ejercito ngunit si Vice Ganda ang nanalo dahil may PMPC voting member na nagbayad sa kapwa voting members:
“Nakakaloka ang PMPC Star Awards for Movies na ginanap kagabi (Linggo) sa Solaire. Niloko ako ng ilang members ng PMPC — pinaniwala ako that they will vote for my baby Jeorge Estregan for best actor for his sterling performance sa pelikulang Boy Golden.
“Ganito kasi ang scenario — barely two weeks ago, some members talked to me at nagtanong kung hindi ko raw ba ila-lobby si Jeorge Estregan for Best Actor dahil ang kanilang napusuang rightful winner na si Joel Torre for the movie On the Job won’t get the votes dahil hindi nila kayang magbayad sa voting members, I thought of something. kung hindi rin lang mananalo si Joel Torre who is the rightful winner, might as well fight na lang for my anak-anakang Jeorge Estregan for Boy Golden dahil they said that he is next in line for Best Actor. But how?
“I have to call first members of PMPC para makasiguro ako sa pagkapanalo ng alaga ko dahil PR man ako. that’s part of the lobbying. normal lang iyon - kahit sa Oscars sa America ay uso ang lobbying, ’di ba?
“I have to siyempre weigh first kung may laban ako. Since 38 lang naman ang voting members, I have to get at least a vote more than half of them — meaning, more than 19 in short. So I commissioned 22 of them bago ako sumugal. huwag na nating pangalanan but worse come to worst ay willing ako to name names. ProÂmise!
“Wala akong pakialam dahil lokohan pala ito. Nagulat na lang ako nang malaman ko that one voting PMPC member nilang si Francis Simeon lobbied for Vice Ganda pala for Best Actor. Nagbayad siya ng pera sa mga kasamahan niya sa PMPC para manalo si Vice Ganda who is abroad. Mamatay na ang nagsisinungaling. Alam n’yo naman ako, mayabang din at kalahati. nangutang ako sa isang friend ng pera para huwaÂg lang madehado ang alaga ko kaya nagbayad ako ng mas higher.
“I am an outsider of PMPC kaya I have all the right to lobby — since hindi naman pala mananalo ang rightful wiÂnner na si Joel Torre, might as well to fight for second best and that’s joerge estregan dahil sila naman ang nagsabi. pero ang nag-lobby kay Vice Ganda for Best Actor ay VOÂTING MEMBER.
“Ako? Okay lang iyon dahil outsider ako and every PR MAN has the right to campaign or lobby for a client for whatever reason. Nakakaloka lang dahil papaano nangyaring natalo ako when many of them committed with me for Jeorge Estregan. I personally spoke to many of them and they said yes. ‘Yung ibang nakausap ko who said na hindi sila maka-commit sa akin dahil nauna na raw silang pinakiusapan for Vice Ganda.
“Yung ibang nabigyan ko ay nag-hunyango sa akin and ok lang iyon. Magkakaalaman din kami in due time. Hindi alam ni Jeorge Estregan ito dahil ipinangutang ko siya - sobrang mahal ko lang ang batang iyan dahil napakabait at mahusay talagang aktor kaya lang nabiktima kami ng DAGDAG-BAWAS gang sa LOOB MISMO NG PMPC. I am willing to talk at any convenient time at paninindigan ko ito at any given time at your convenience. NGAYON, NASAAN NA ANG TUNAY NA KREDIBILIDAD NG PMPC?â€