Kontrobersiyal na aktres kinupit ang P45K na regalo ng ninang ng anak

PIK: Nagsimula na ngayong mag-ikot ang mga taga-Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga sinehan na nagpapalabas ng mga malalaswang pelikula.

Karamihan nito ay nasa Maynila at sinimulan na nila kahapon sa mga sinehan sa Sta. Cruz area.

Matagal nang napapabalitang maraming mga sinehan sa mga ganung lugar na nagpapalabas ng mga malalaswang pelikula at meron pang mga kababalaghan sa loob kaya binigyan na ito ng aksiyon ng MTRCB chairman na si Atty. Toto Villareal.

PAK: Naloka ang mga anak nitong kilala at kontrobersiyal na aktres nang nalaman nilang kinupit nito ang regalo ng kanilang ninang.

Hindi lang namin tiyak kung nakaraang Pasko lang ito pero nagpadala raw ang ninang ng anak ni kilalang aktres ng P50,000 na regalo para sa inaanak niya. Ang bilin daw ng ninang, bigyan din ang isang kapatid dahil gusto rin daw bahaginan ng regalo kahit hindi niya ito inaanak.

Pero ang natanggap lang ng dalawang anak ni kilalang aktres ay tig-P2,500. Malinaw na may P45K pang natira na huli na lang nila nalamang ipinang-casino lang pala ng nanay nila.

BOOM: Ayaw na lang ni Heart Evangelista mag-react sa patuloy na pagtira sa kanya ng fans ni Ma­rian Rivera.

Ang sabi ng Kapuso actress/TV host, dedma na lang siya sa mga nagba-bash sa kanya sa kanyang Instagram account dahil wala raw talaga siyang intensiyong patutsadahan o tirahin si Marian.

Saad nito, “Actuallly, wala na akong napi-feel. Dati, I was really bothered but you know I’ve gone through so much in life para… hindi na ako naba-bother sa maliit na bagay na ’yan. So, ano… wala talaga.”

Pero bilib daw siya sa pagiging loyal ng fans ni Marian sa Kapuso Primetime Queen.

Si Marian naman ay ayaw na ring pansinin ang mga ganung kanegahan dahil gusto raw niya ma­ging positive na lang at dedma na sa nega.

Show comments