MANILA, Philippines - Matatagalan pa o puwedeng hindi na mabubuo ang lamat ng pagkakaibigan nina AiAi delas Alas at Kris Aquino. Nagkaayos man sina Kris at James Yap sa custody ng anak na si James “Bimby†Yap, Jr. , walang post si Kris tungkol sa sitwasyon ng dating “friendship.â€
Eh nung nakaraang post-birthday celebration si James, aba, present si AiAi. Chummy-chummy na kasi sila ng ex-husband ni Kris na kaibigan din ang komedyana kaya tiyak na lalong lalala ang alitan nila.
Peace man na sina Kris at James, civil na lang ang dating nila sa isa’t isa.
Eh sa nakaraang chika ni AiAi sa press, naungkat ang tampo niya kay Kris pero pawang off the record ang mga ito na nirespeto ng mga kausap. Mas mabigat na dahilan pa kesa sa hindi nakiramay sa pagkamatay ng tunay na ina ang feeling naming dahilan ng Comedy Concert Queen!
Kris natigilan ng bangka sa gitna ng dagat, Daniel kayakap?
Speaking of Kris, isinama niya ang anak na sina Joshua at Bimby sa taping niya ng Kris TV sa Huma Island na ayon sa post niya sa Instagram (IG) ay version natin ng Fantasy Island. Kasama niya sa taping si Daniel Matsunaga na tinutukso sa kanya ng followers sa IG.
’Yun nga lang, sa post kahapon ni Kris, na-stuck daw ang bangka na sinakyan dahil na-overheat at natengga sila sa gitna ng dagat, huh!
“Thank God may 3G. Wait daw ng 30 minutes for the speedboat to rescue us. At least, na-experience na lahat…Moral of story, bawal magpayakap bago sumakay ng boat,†mensahe ni Kris.
Tukso ng followers ni Kris, si Daniel siguro ang yumakap kay Kris, huh!
Aljur hinahatian ni Kylie sa bawat ginagasta sa date
Birthmonth ngayon ni Aljur Abrenica. Wala nga lang sa bansa ang girlfriend na si Kylie Padilla na nasa Australia ngayon. E, naging advance ang regalo sa kanya ng GMA actress dahil ginastusan niya ang biyahe nila sa Tagaytay na isinabay nila sa selebÂrasyon ng Valentine’s Day.
“Hindi na niya ako kailaÂngang magbigay ng regalo dahil lagi niya akong inililibre. Hahaha!†rason ni Aljur nang makausap ng press sa launch ng Kambal Sirena na mapapanood ngayong gabi kung saan siya ang leading man ni Louise de los Reyes.
Ayaw ba niya ng babae ang gumagastos para sa kanya?
“Lalaki tayo, ’di ba? Ako kasi ugali ko talaga ang magbayad. Ayokong gumagastos ang babae pero si Kylie mapilit eh. Kumbaga, ang ibig kong sabihin ng lagi niya akong inililibre is hati kami,†katuwiran ng hunk actor.
Dahil wala si Kylie sa birthday niya, ang pamilya ang gustong makasama ni Aljur. Taping day niya ‘yon pero gusto niyang hingin ang araw sa production upang makapag-celebrate siya.
“Gusto ko sanang mag-spend alone. Gusto kong kasama ko muna ang family ko ’tapos alone time ko para mag-travel. Drive-drive lang naman ako,†pahayag pa ni Aljur.