^

PSN Showbiz

Venus umaasim ang mukha kapag natatanong ang ex-BF

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Matapos mawala sa Umagang Kay Ganda, ang daily morning show ng ABS-CBN, ang dating beauty queen na si Venus Raj, muli naman siyang mapapanood sa GMA News TV sa darating na March 23 sa ganap na ika-9:30 ng umaga sa pamamagitan ng Business Flight, isang inspirational travel show na magkatulong na iho-host ni Venus at ng controversial businesswoman na si Cristina Decena na siya ring producer ng show. Iba’t ibang bansa ang dadayuhin nina Venus at Cristina para maibahagi sa mga manonood ang iba’t ibang buhay at kalagayan ng ating mga kababayan sa ibang bansa na kanilang sinimulan sa Nagoya, Japan, at sa Canada.

Natutuwa si Venus sa kanilang bagong show ni Cristina dahil bukod sa nakakarating sila sa iba’t ibang bansa, marami rin silang nadi-discover at natututunan.

Ibang Venus ang aming nakaharap nung nakaraang Biyernes ng tanghali dahil wala na rin ang mahabang buhok nito. Nagpaiksi na siya ng kanyang buhok kaya biniro namin siyang baka nagrerebelde lamang siya dahil sa kanilang paghihiwalay ng boyfriend niyang si Andrei Felix. Ayon kay Venus, summer na raw kasi kaya siya nagpaputol ng buhok para hindi mainit.

Samantala, mukhang hindi maganda ang paghihiwalay nina Venus at Andrei dahil nag-iiba ang facial expression ni Venus kapag nababanggit ang dating nobyo. Wala pa rin umano siyang bagong kasintahan ngayon after her breakup pero umaasa siya na sana’y may bagong dumating sa kanyang buhay. She’s 26 at gusto niyang mag-settle down before she turns 30.

Sinabi pa ni Venus na gusto niyang maging inspirasyon sa ibang aspiring beauty queens.

Aljur, si Louise ang ka-date sa birthday

GMA hunk actor Aljur Abrenica is turning 24 on March 24 at isi-celebrate niya ito without his girlfriend na si Kylie Padilla na kasalukuyang nasa Australia to be with her mom at mga kapatid.

Ayon kay Aljur, ang kanyang nalalapit na birthday ay isang working day dahil may taping sila ng Kambal Sirena na pinagtatambalan nila sa kauna-unahang pagkakataon ng young star na si Louise delos Reyes. Pero kung may chance, gusto niya itong i-celebrate with his family.

Para kay Aljur, advance birthday gift sa kanya ng GMA ang Kambal Sirena project at masaya siya sa unang tambalan nila ni Louise. Sana lamang ay hindi ito pagselosan ni Kylie.

Natutuwa si Aljur dahil hindi siya nababakante sa trabaho.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANDREI FELIX

AYON

BUSINESS FLIGHT

CRISTINA

CRISTINA DECENA

IBANG VENUS

KAMBAL SIRENA

VENUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with