James gulat na may alam na sa sex ang anak na si Bimby

PIK: Bibigyan ng mainit na welcome production number ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa Sunday All Stars nga­yong umaga.

Bilang paghahanda na rin ito sa nalalapit na pagsisimula niya sa drama series na gagawin niya sa GMA 7 kasama sina Dingdong Dantes at Lovi Poe.

PAK: Nagulat si James Yap sa malaking pagbabago ng anak niyang si James “Bimby” Yap, Jr. nang nakakasama na niya ito bago siya pumunta sa post-birthday party niya na ginanap sa Sky Lounge sa The Fort, Taguig City kamakalawa ng gabi.

Ang isa sa mga ikinagulat na niya ay may alam na ang kanyang anak  tungkol sa sex.

Hindi nga raw niya alam na tinanong pala ni Bimby si Kris Aquino ng “you mean you had sex with two men?” nang nalaman niyang magkaiba sila ng ama ng kuya niyang si Joshua Aquino.

“Ewan ko nga. Siguro masyadong matalino lang ang bata. Siguro kailangan mo lang talaga i-guide nang mabuti ang bata kasi siyempre may mga tanong na ganyan, kailangan mong ipaintindi talaga na kapag tanungin ka, kailangan talaga ’yung sagot mo maayos. Hindi ’yung pabalang,” parang naaalangang pahayag ni James.

BOOM: Lalong lumalaki ang hidwaan nina Marian Rivera at Heart Evangelista dahil sa pagri-react ng fans ni Marian sa mga ipino-post ni Heart sa kanyang Instagram account.

Nung minsang nag-post si Heart na parang pinuri nito ang Got to Believe, nagkaroon agad ng malisya dahil mas pino-promote pa raw nito ang drama series ng Kapamilya Network kesa sa Carmela ni Marian.

Hindi naman magkatapat ang dalawang drama series kaya hindi na sana pina­laki pa.

Kapag tinanong naman si Marian ng mga ganung intriga, ayaw na niyang patulan pa dahil mas gusto niyang i-entertain ang mga positibong bagay.

“Kukulubot lang ang mukha mo, papangit ka lang kung i-entertain mo ang mga negative na bagay.

“Ang tao maraming choice eh. Bakit hindi mo maging choice ang maging masaya at maging masaya para sa ibang tao?

“Kung pakitaan ka ng masama ng kapwa mo eh ipagdasal mo na lang siguro. May mga ganung pagkakataon na hindi mo talaga mapi-please ang lahat,” pahayag ng GMA Primetime Queen.

Show comments