May exclusive interview ang Startalk sa mag-dyowang James Yap at Michela Cazzola at mapapanood ito ngayong hapon.
Si Ricky Lo ang nag-interbyu kina James at Michela. Nakumbinsi ni Papa Ricky ang dalawa na maghalikan sa harap ng TV camera.
Ang pagkakasundo nila ng ex-wife na si Kris Aquino ang isa sa mga ikinuwento ni James kay Papa Ricky. Tuwang-tuwa si James sa pagbabago ng ihip ng hangin dahil sino ba ang mag-aakala na magkakabati sila ng kanyang ex-dyowa?
May mga hinala na in love nga si Kris kaya naÂging madali sa kanya na makipagkasundo kay James. Sino ang mystery guy na nagpapasaya ngaÂyon kay Kris, ang tanong ng madlang-bayan? MaÂdaling malaman dahil walang puwedeng ilihim sa showbiz, lalo na kung si Kris ang involved sa isyu.
Mga pasabog ng anak ni Rosanna Roces nakakagimbal
Ipinapakita nang GMA 7 ang teaser plug ng one-on-one interview ko kay Dennis “Onyok†Adriano, ang anak na bunso ni Rosanna Roces.
Inirerekomenda ko sa lahat na panoorin ang Startalk ngayong hapon dahil pasabog talaga ang mga rebelasyon ni Onyok.
Hindi ako magtataka kung SPG ang classifiÂcation ng aming pag-uuÂsap dahil nakakagimbal ang kanyang mga pahayag. Wish ko lang, huwag ma-edit ang mga sinabi ni Onyok para malaman ng mga tao ang mga naranasan niya.
Librong pangarap ni Edward Mendez matagal nang tinupad ni Dr. Belo
Hindi ko na pinuntahan kahapon ang book-signing ni Edward Mendez sa National Bookstore Glorietta 1 dahil masyadong malayo sa akin ang Makati City.
Noong isang taon ko pa nalaman na may ilalabas na libro si Edward, ang Eat More, Exercise Less: Your Dream Body Come True.
Si Dr. Vicki Belo ang nagkuwento sa akin tungkol sa libro ni Edward sa lunch date namin noon. Si Mama Vicki ang dahilan kaya natupad ang dream ni Edward na makapag-publish ng sariling libro.
Para kay Edward, dream come true ang Eat More, Exercise Less na dapat basahin ng mga tao na malaÂkas kumain pero taÂmad mag-ensayo.
Hinihintay ko ang complimentaÂry copy ng libro na ibibigay sa akin ni Edward. Baka sakaling ang kanyang libro ang maÂkatulong sa akin para mabawasan ang timbang ko. Ang sabi ng isang nakabasa sa Eat More, Exercise Less, very informative ang libro na it’s a must na bilhin ng mga tao na may weight problem.
Mga artistang ‘sirena’ dusa sa kanilang costume
In full force na aapir ngayon sa Sunday All Stars ang cast ng Kambal Sirena, ang ipinagmamalaki na sirena-serye ng GMA 7.
Ewan ko lang kung gagamitin ng cast ng Kambal Sirena ang kanilang mga costume.
Dusa ang pagsusuot ng mga buntot ng isda dahil limitado ang kilos ng mga artista at nangyari ito sa presscon ng Kambal Sirena noong Martes.
Isa-isang binuhat sina Gladys Reyes, Rich Asuncion, Polo Ravales, at Angelika dela Cruz nang dalhin sila sa stage. Mabigat ang mga buntot na suot nila kaya nabigatan ang mga nagbuhat sa kanila.
Dati-rati, siyokoy ang tawag sa mga merman pero ngayon, sireno na rin ang tawag sa kanila dahil buntot din ng mga isda ang mga costume nila.