MANILA, Philippines - Grabe pala ang ‘beauty habit’ ng isang actor.
Sa gabi, bago matulog, 100 strokes ang ginagawa nitong pagsusuklay sa buhok para maging maganda ang hibla.
At ang lotion daw na ginagamit ay iba ang para sa mukha, kamay, braso, legs, at pati sa talampakan para maging smooth ang paa. Iba pa ang powder sa katawan.
Ganun daw ito kaselan sa katawan.
Isang dating nakasama ng actor ang nagbalita tungkol sa seremonyas ng actor bago matulog sa kanyang mamahaling kama.
Sabi pa nang nagkuwento, bading daw kasi sa totoong buhay ang actor na ito kaya mas maarte pang mag-alaga ng katawan kesa sa mga babae at sa nakarelasyon daw nitong aktres.
Vhong balik-showtime
Mabuti naman kung nakabalik na si Vhong Navarro sa It’s Showtime. Kailangan niya ito para malibang at hindi puro ang mga kaso niya sa mga nambugbog sa kanya ang iniisip.
Three days ago ay kinasuhan na rin ng libel at perjury ni Vhong ang veteran beauty pageant contestant na si Roxanne Cabañero at grupo ni Deniece Cornejo/Cedric Lee.
Umiyak ang komedyante sa tabi ng Showtime hosts dahil naroon pa rin daw ang takot niya sa kanyang mga pinagdaanan. Pero masaya si Vhong sa kanyang pagbabalik. Nagpasalamat siya sa madlang pipol at kay Anne Curtis na close friend niya.
Say ni Vhong, “Marami akong gustong sabihin sa iyo pero ’wag muna. Pero salamat sa pagiging partner mula nung simula. At alam ko hindi ka bumitaw bilang isang kaibigan ko. Salamat.â€
At least ’pag nakikita siya sa TV, hindi malilimutan ang pambubugbog sa kanya, magtutuluy-tuloy ang imbestigasyon.
Anak ni Juday mag-aartista na rin?!
Non-stop ang pasabog na mapapanood ngayong tanghali (Linggo, Marso 9) sa ASAP 19 para sa grand launch ng pinaka-inaabangang master serye ng ABS-CBN na Ikaw Lamang, sa pangunguna ng lead stars nitong sina Coco Martin, Kim Chiu, Julia Montes, at Jake Cuenca.
Kasama rin sa selebrasyon ang iba pang miyembro ng powerhouse cast ng serye na sina Tirso Cruz III, John Estrada, Angel Aquino, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Daria Ramirez, Ronnie Lazaro, Spanky Manikan, Meryl Soriano, Lester Lansang, Zaijan Jaranilla, Xyriel Manabat, Louise Abuel, at Alyana Angeles.
Bukod sa pagsalubong ng cast ng bagong Kapamilya teleserye, tuluy-tuloy ang kasiyahan ngayong Linggo hatid ng Honesto stars na sina Joel Torre, Cristine Reyes, Nonie Buencamino, Jason Fransisco, Malou Crisologo, Janna Agoncillo, Melissa Ricks, Eddie Garcia, Janice de Belen, Paulo Avelino, at Raikko Mateo sa grand farewell nito sa loyal viewers ng numero unong primetime teleserye.
Sa pinakaunang pagkakataon naman, magÂsasama ang Queen of Pinoy Soap Opera na si Judy Ann Santos-Agoncillo at ang kanyang anak na si Lucho sa ASAP stage; habang may must-see pasabog naman ang Dyesebel star na si Anne Curtis.
Maki-join din sa buong Kapamilya sa enggrande nitong back-to-back birthday bash para kina ASAP leading man Gerald Anderson at teen star Julia Barretto.
Kaabang-abang din ang nakakaaliw na performance ng teen stars na sina Nash Aguas, Alexa Ilacad, Jon Lucas, Janella Salvador, Marlo Mortel, Ella Cruz at Paul Salas; at heartthrobs na sina Sam Concepcion at ang former Giggerboys na sina Robi Domingo, Enrique Gil, Enchong Dee, Chris Gutierrez, at Arron Villaflor.
Samantala, mabighani sa makapigil-hiningang dance moves sa Supah Dance kasama sina Maja Salvador, Rayver Cruz, John Prats, Iya Villania, at Bugoy Cariño.
Tiyak namang makikikanta ang lahat sa natatanging concert experience na hatid nina Medwin Marfil of True Faith, Sam Milby, Yeng Constantino, Zia Quizon, Paolo Onesa, Tuti Caringal, at ang ASAP Sessionistas.
Huwag ding palampasin ang nakakabilib na world-class concert spectacle mula kina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Piolo Pascual, Erik Santos, Angeline Quinto, at Gary Valenciano.