Dennis madalas na lang mag-bus papunta ng probinsiya

Pagkarating na pagkarating niya mula sa tour ng My Husband’s Lover sa abroad, ang pagpapaganda ng katawan ang inasikaso ni Dennis Trillo.

“Hindi kasi puwedeng malaki ang body ko nung ginagawa namin ang My Husband’s Lover, hindi bagay sa role kaya the moment na nag-end ang show, ang pagbabalik sa dating pangangatawan ko ang inasikaso ko. Nagtanim din ako, my father gave me some seedlings at ‘yun ang itinanim ko sa vacant space sa isang lot na nabili ko. I also resume my surf riding. Nagpunta akong muli sa Baler. Madalas sumasakay na lang ako ng bus to go there. Hindi na ako nagdadala ng kotse para walang hassle. Hindi naman ako nagugulo sa biyahe. Aside from some people who greet me, talk to me and have their photos taken with me, tahimik ang  biyahe ko,” ani Dennis na itinanggi na hindi isang babae ang nagbibigay ningning sa kanyang mga mata ngayon  kundi ang katahimikan  sa piling ng kanyang pamilya. “Wala akong special someone, pamilya ko lang ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon ngayon,” pagdidiin niya.

Louise nage-effort sa dalawang character

Maraming dapat ipagpasalamat si Louise delos Reyes kay Marian Rivera. Binigyan siya nito ng tips kung paano gampanan ang dalawang role niya sa Kambal Sirena na ang isa ay tao at ang isa naman ay sirena. Kahit kambal ang dalawang major characters na sina Perlas at Alona, hindi ito dahilan para hindi mag-effort si Louise na mapag-iba ang dalawang characters na ginagampanan niya. “Hindi naman ako nagagalit dahil alam ko concerned lang siya na tulad niya ay maalala ako ng manonood sa pagganap ng role ng isang sirena. Sa rami nga naman ng mga gumanap ng role ni Dyesebel, to her credit hindi siya makakalimutan ng manonood bilang Dyesebel,” papuri pa ni Louise sa kapwa niya Kapuso.

Mall shows nauuso sa promo

Mukhang mall shows ang nauuso ngayong promosyon para sa mga teleserye. May mall show bukas, Marso 9, 5:00 ng hapon  ang cast ng Paraiso Ko’y Ikaw sa SM City Marilao. Present sila Kim Rodriguez, Kristoffer Martin, Joyce Ching, at Pythos Ramirez.

Samantala,  sa Tanay Town Center, sa ganap na ika-4:00 p.m.  bukas din, ay pasasayahin naman ang lugar ng cast ng Kambal Sirena sa pangunguna nina Louise Delos Reyes, Aljur Abrenica, Rich Asuncion, at Pancho Magno. 

 

Show comments