Ruffa nirerespeto si Angelica, ayaw na uling patusin si John Lloyd
Kung gawa ni Rajo Laurel ang red dress na suot ni Annabelle Rama sa presscon kung saan ipinaalam na sa E! Channel Asia ipalalabas ang reality show ng Gutierrez family na It Takes Gutz to be a Gutierrez, gawa naman ni Martin Bautista ang blue dress na suot ni Ruffa Gutierrez sa nasabi pa ring presscon.
Pero sabi ni Ruffa, magpapagawa rin siya ng damit sa ibang designers dahil kailangan niya ng maÂraÂming daÂmit sa taping. Hindi man maging successful na i-upstage ang ina sa mga salita, parang babawi si Ruffa sa get up.
Ibinuking pala niya na bukod sa publicist nilang si Jun Lalin, gusto ni Annabelle na magsama ng press sa kanilang cruise para mas masaya. Natatakot lang si Annabelle na baka may mga lumabas na spoiler na ipinagbabawal ng E!
Nabanggit din ni Ruffa na bawal magpakita ng cleavage dahil ipalalabas sa ilang Muslim countries ang reality show nila kaya ingat sila ni Annabelle sa mga damit na isusuot. Ang alam ni Ruffa, ipalalabas sa Pakistan, Malaysia, India, Bangladesh, South Korea, at Japan ang It Takes Gutz to be a Gutierrez.
Hindi sinabi ang exact date sa pilot ng reality show na mapapanood sa Skycable Channel 57, Cignal Channel 25, at Cablelink Channel 33.
Nabanggit pala ni Ruffa na recurring ang karakter niya sa comedy show ng ABS-CBN na Home Sweetie Home nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga bilang ex-girlfriend ng karakter ng aktor kaya magti-taping pa siya.
Nakiusap itong ’wag na silang intrigahin ni John Lloyd dahil nirerespeto niya ang relasyon nito kay Angelica Panganiban. Happy siya na friends sila ni John Lloyd, nagbibiruan sila sa set, binibigyan siya nito ng chicharon, at maganda ang working relationship nila.
Jackie Rice nahawakan ang itlog ng ama
Tawa kami nang tawa sa ikinuwento sa aming nangyari sa taping ng Innamorata particularly kina Jackie Rice at Leandro Baldemor na gumaganap na kanyang ama sa Afternoon Prime ng GMA 7.
Sa eksenang nabaril si Leandro, lalapit si Jackie para tulungan ang ama, kaso na-out of balance siya dahil sa suot na stiletto shoes. Sa pagkataranta na hindi siya matumba, naghanap ito nang mahahawakan at ang nahawakan ay ang private part ni Leandro.
Nagtawanan daw sa taping dahil sa nangyari at lalo pang nagtawanan nang ikuwento ni Jackie ang nangyari dahil ang itinawag sa manhood ni Leandro ay “i---g.†Pati mga kasama sa soap, sobrang natawa sa narinig kay Jackie lalo na kung paano bigkasin ang “i---g.†Hahaha!
Richard ‘di sinipot si Sharon sa storycon
Nag-story conference na pala ang TV5 para sa bagong tawa serye ni Sharon Cuneta na My PiraÂted Family. Si Richard Gomez ang makakapareha ni Mega pero wala raw sa storycon ang aktor. Nabanggit ni Sharon dati na magti-taping sila ng pilot episode muna at saka magtutuluy-tuloy ang taping pagbalik niya after her vacation.
Nang makausap si Richard sa launching ng 6200: Mission Possible ng Bench para tulungan si Cong. Lucy Torres sa kanyang project na magbigay ng banca sa fishermen ng 4th district ng Leyte, nabanggit na magti-taping na sila this week o next week. Aabutin nga raw ng two to three days ang taÂping para sa pilot episode.
Si Joel Lamangan ang director ng My Pirated Family pero sina Ciara Sotto at Bing Loyzaga lang sa nakasama ni Sharon sa Madam Chairman ang muling makakasama sa bagong show.
Ang My Pirated Family ang papalit sa The Confessions of a Torpe nina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, at Alice Dixson.
- Latest