Karylle at Yael kailangan ng ibayong dasal
Wow naman, kinuha ako ni Karylle para mag-ninong sa kasal nila ni Yael Yuzon! Nadagdagan na naman ang bilang ng mga inaanak ko na sana ay suÂwerÂtehin sa kanilang pag-aasawa. Ito lamang ang tanging dasal ko para sa kanila. Dahil pareho silang taga-showbiz, sana malampasan nila lahat ng gulo, intriga, kontrobersiya, at kung anu-ano pang mas magpapahirap sa kanilang nalalapit na pagpapakasal.
Kaya mga anak, kailangan n’yo ng ibayong pagdarasal at more love and understanding para maintindihan ang trabaho ng isa’t isa. Best wishes!
Kris nabatikos sa pagyayabang ng credit card limit
Sana huwag nang ipagmakaingay pa ni Kris Aquino na P10M ang limit ng kanyang credit card. Napagbibintangan tuloy siyang mayabang na hindi dapat mangyari lalo’t may ambisyon siyang pumalaot sa pulitika. Huwag mo na lang pansinin ang mga basher mo.
Unang-una na ay hindi mo sila kilala, ikaw ang lugi. Kapag naman naramdaman nilang wala silang epekto sa iyo, hahanap sila ng ibang maba-bash.
- Latest