MANILA, Philippines - Isang makabuluhang talakayan tungkol sa kalusugan at mga sikreto ng Kapuso broadcast journaÂlist na si Mike Enriquez at veteran actor na si JesÂtoni Alarcon ang mapapanood ngayong Sabado ng umaga sa Pinoy MD.
Tinatayang isa sa bawat limang Pilipino ang piÂnahihirapan ng sakit na diabetes. Ayon sa Philippine Diabetes Association, walang pinipili ang pre-diabetes o kaya ang diabetes. Pati nga ang matapang at hinahangaang broadcaster na si Mike Enriquez, hinÂdi tinantanan ng karamdamang ito.
Maraming mga gamot na puwedeng inumin para makontrol ang sakit na ito. Pero para mas maging epekÂtibo pa ang mga gamot na ito, makatutulong kung gagawin ang ilang mga natural na paraan para mapababa ang blood sugar level sa katawan. Isa sa mga sikreto ni Mike ang regular niyang page-eherÂsisyo. Abangan ang iba pang tips ng mga eksperto ngayong Sabado.
Mestizo at matipuno, naging madali raw para kay Jestoni Alarcon na mapasok sa show business. Noong dekada otsenta, pinakilig niya ang mga kababaihan dahil sa kanyang “boy-next-door†roles. Sexy at action star roles naman ang sinubukan niya noong ‘90s at ngayon naman, isa na siyang respetadong dramatic actor.
Marami pa rin ang humahanga sa kanya dahil tila hindi raw siya tumatanda. Ang mga sikretong pangkalusugan ni Jestoni Alarcon sa Healthy si Idol segment.
Pag-uusapan rin sa Pinoy MD ang ilang mga problemang pangkalusugan na hindi halos maitaÂnong sa doctor kabilang na ang mga pagkirot, paÂngaÂngamoy o pangangati sa ilang maseselang bahagi ng katawan. Bago mapahamak dahil sa hiya, ang Pinoy MD na ang magtatanong ng mga ito sa mga eksperto.
At bilang Serbisyong Totoo sa mga Kapusong maÂlalabo ang mata, handog ng Pinoy MD ang ProÂject Kalusugan kung saan magbibigay ang progÂraÂma ng libreng eye check-up at salamin sa mga kaÂbabayang nangangailangan.