Marian patung-patong ang bagong commercial

Kapag natuloy ang press visit namin sa Carmela, pagrereakin namin si Ma­rian Rivera sa “One Left” post ni Heart Evangelista sa Instagram (IG) account nito kung saan, pinagtabi-tabi nito ang magazines sa isang newsstand at pina­kitang isang copy na lang ng March issue ng Cosmopolitan na cover siya ang natira.

 Katabi ng March issue ng Cosmo ang February issue na cover si Marian na marami pang copies, may magasin na cover sina Kim Chiu at Xian Lim at Philippine Tatler na cover ang newlywed na sina Lloyd Lee at Shamcey Supsup.

Nag-react na ang fans ni Marian dahil may malisya raw ang pagpo-post ni Heart. Ipinagtanggol si Marian ng kanyang fans dahil ang feeling nila, si Marian ang puntirya ni Heart sa kanyang post dahil magkatabi ang magazines na cover sila.

 Hindi  maiwasang may mga hindi magagandang comments patungkol kay Heart, kaya as of Wednesday, deleted na ang controversial post.

Samantala, pauna lang ang paglabas ng Sof & Mmmmm Fabric conditioner ng Personal Collection dahil may three endorsements pa si Marian na lalabas this March. Sa March 26, may contract signing siya sa bagong endorsement at this March din ang pictorial niya for another new endorsement. May isa pa siyang endorsement na hindi pinangalanan ni Rams David.

Sa kanyang IG, nagpasalamat si Marian sa pagkakapili sa kanya as the Dealer’s Choice for Personal Collection. “So proud to be the Ambassador for Sof & Mmmmm,” sabi nito.

Mike Tan kinawawa sa billboard

Hindi kasama ang picture ni Mike Tan sa billboard ng Kambal Sirena, kung saan, kasama siya sa cast at ginagampanan ang role ni Jun, isang fisherman at magkakagusto kay Alona ang sirena na kambal. Tanong ng press, hindi ba siya nagtampo sa GMA 7 na wala siya sa billboard?

 â€œWala akong tampo dahil sina Louise delos Reyes at Aljur Abrenica ang mga bida rito at ako, hindi ko nga alam kung support ako,” sabi ni Mike.

 Kinorek siya ng press, hindi siya support kundi second lead at sumang-ayon naman si Mike. Ang importante sa kanya may bago siyang soap at balik-primetime siya at gagawin niya ang kanyang trabaho.

We congratulated Mike sa mahusay niyang pagganap bilang younger husband ni Jaclyn Jose sa Magpakailanman. Kailangan daw husayan niya ang acting para hindi siya lamunin ng aktres sa eksena nila. Isinaisip niyang GF at asawa niya ang aktres at thankful siya dahil magaan itong katrabaho at pumayag mahawakan niya.

Show ni Jennylyn naghahanap ng funeral parlor

Nakakaloka ang upcoming episodes ng Rhodora X nina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, Mark Herras, at Mark Anthony Fernandez dahil isa sa kanila ay mamamatay kahit matagal pa ang takbo ng story ng soap.

Last week, naghanap ng funeral parlor ang staff na magagamit sa eksenang paglalamayan ang isa sa apat na karakter na nabanggit namin, pero bago mag-react ang fans ng apat, may twist sa story.

Overtime hindi tuloy sa April 2

Hindi tuloy sa April 2 ang showing ng Overtime, ang GMA Films movie ni Richard Gutierrez, mas pagagandahin pa raw ang movie sa direction ni Wincy Ong. Wala pang binanggit na bagong playdate sa amin ang tinanong na taga-GMA Films, aba­ngan na lang daw.

Ang maganda sa pagbabago ng playdate, mapaghahadaan ang promo nito lalo’t aalis si Richard, magku-cruise ito kasama ang pamilya para sa reality show nilang It Takes Gutz to be a Gutierrez at two weeks yata sila, hindi rin ito makakapag-promote kung April 2 ang playdate ng movie.

Tama pala kami na sa E! Channel ipalalabas ang It Takes Gutz to be a Gutierrez ng Gutierrez family sa pamamahala ni Mike Carandang.

Show comments