James Yap kabaduyan ang sinabing ‘love, love, love’; Coco younger sister ang tingin kay Julia

SEEN: Big turn off ang baduy na statement ni James Yap na  “love, love, love” na uli sila ni Kris Aquino nang magharap sila sa korte noong Miyerkules at magkasundo sa visitation rights niya sa kanyang anak na si James Jr.

SCENE: Ang pag-amin ni Kris Aquino kay Boy Abunda na in love siya ngayon na posibleng dahilan nang pakikipagkasundo niya sa kanyang ex-husband na si James Yap.

SEEN: Early bird si Maricel Soriano sa appreciation dinner  ng MMDA sa Club Filipino noong Miyerkules. Tumanggap si Maricel ng cash incentives mula sa MMDA dahil siya ang best actress winner sa Metro Manila Film Festival noong nakaraang taon.

SCENE: Hindi ipinalabas ng ABS-CBN ang video ng paghagulgol ng iyak ni Piolo Pascual sa victory party ng Starting Over Again bilang proteksyon sa kanya.

SCENE: Ginanap kagabi sa Smart Araneta Coliseum ang fashion show ng 40 official candidates ng Bb. Pilipinas 2014.  

SEEN: Naka-confine sa ospital ang producer at industry leader na si Marichu Vera Perez-Maceda dahil inatake siya sa puso matapos dumalo sa appreciation dinner ng MMDA para sa 2013 MMFF winners sa Club Filipino noong Miyerkules. Humihiling ng dasal ang pamilya ni Manay Ichu para sa kanyang mabilis na paggaling.

SCENE:   Younger sister ang tingin ni Coco Martin kay Julia Montes na pumayag na suportahan ang team up nila ni Kim Chiu sa Ikaw Lamang, ang teleserye ng ABS-CBN na mapapanood sa Lunes. March 10.

SEEN: Ngayon ang huling gabi sa telebisyon ng Adarna, ang telefantasya ng GMA 7 na tinatampukan ni Kylie Padilla.

Show comments