MANILA, Philippines - Isang kakaibang “praise†concert for a cause ang itatanghal sa March 22, 7:30 p.m., sa Teatrino Greenhills, sa San Juan City sa pamamagitan ng Token of Love. Lahat kasi ng proceeds nito ay mapupunta sa Holy Family Home Bacolod Foundation, Inc. ng Capuchin Tertiary Sisters ng Bacolod City, Negros Occidental.
Tampok sa concert si Token Lizares kasama ang special guests na sina Richard Poon, German “Kuya Germs†Moreno, Michael Pangilinan, Prima Diva Billy, Niza Limjap, A. J. Tamisa, at Le Chazz, sa musical direction ni Butch Miraflor. Ang front act ay si Alex Datu. Mapupuno ng pagmamahal at papuri ang mga kanta sa concert.
Ang kikitain ay maitutulong sa pagpapagawa ng extension ng center para sa mga babaeng nasa kolehiyo na at kinukupkop ng foundation ng mga madre. Karamihan sa kanila ay mga inabandona o ulila na. Ang Capuchin Tertiary Sisters ng Holy Family Home ay kabilang sa Franciscan-Amigonian Spirituality. May lisensiya at accredited ito ng Department of Social Welfare and Development.
Hindi na mabilang ang charity concert na ginawa ni Token para magtuluy-tuloy ang pagtulong sa mga nangangailangan.