MANILA, Philippines - Sa ikalawang yugto ng mining special ng Motorcycle Diaries ngayong Huwebes, kikilalanin ni Jay Taruc ang isang pamilya ng katutubong Aeta sa bayan ng San Marcelino sa Zambales na umaasa sa pagmimina ng magnetite o black sand para kumita ng pantustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailaÂngan.
Mula umaga hanggang sa paglubog ng araw, anim na araw sa isang linggo, nagmimina ng black sand sina Aling Julie, kasama ang kanyang asawa at anak. Pero mahigit dalawang libong piso lamang ang kinikita nila na hindi sasapat sa kanilang gastusin. Malaking bahagi rin ng kanilang kinita ang napupunta lang sa pambayad ng utang.
Samantala, sa Doña Remedios Trinidad sa Bulacan, tila lungga ng langgam o anay ang dikit-dikit na butas at hukay sa lupa. Resulta ito ng pagmimina ng bentonite, isang mineral na ginagamit na sangkap sa paggawa ng animal feeds at iba pang kagamitang medikal, na siyang ikinabubuhay ng mga residente dito. Gamit ang binaluktot na kapiraso ng bakal, matiyaga nilang kinakayas ang paÂder ng lupa para makapagmina ng bentonite.
Alamin ang iba pang mga kuwento sa ikalawang yugto ng mining special ng Motorcycle Diaries, ngayong Huwebes, pagkatapos ng State of the Nation with Jessica Soho, sa GMA News TV.