Ang buong akala namin ay nakaalis na ang London-bound na si Rachelle Anne Go pero nakadalo pa ito sa launch ng 6200 Mission Possible ng Bench at ni Cong. Lucy Torres-Gomez na ginanap sa bagong bukas na mall na Fairview Terraces sa Quezon City last Sunday evening.
Bumirit si Rachelle Ann ng Stand Up for Love ni Beyoncé na talaga namang pinalakpakan nang husto ng audience. Kumanta rin si Karylle at ang host ng gabing ’yon na si Markki Stroem habang nagbigay naman ng kani-kanilang mensahe sina Kim Chiu, Enchong Dee, ang Teng Brothers na sina Jeric at Jeron at si Joseph Marco.
Tuwang-tuwa ang Bench big boss na si Ben Chan at si Cong. Lucy Torres-Gomez sa naging outcome ng kanilang joint project dahil sa loob lamang ng tatlong buwang launch ng project ay mahigit 1,500 kaagad ang kanilang nalikom.
Ang pamimigay din ng pangkabuhayang bangka ang proyekto ni Marian Rivera sa tulong ng GMA, ganoon din naman ang TV host-actor na si Edu Manzano.
Alice mas pinili ang torpe kesa sa drama sa ibang network
Thirteen years din ang itinagal ng marriage ni Alice Dixson sa ex-husband nitong si Ronnie Miranda na naka-base sa Canada at hindi biniyayaan ng anak ang kanilang pagsasama. Granted na rin ang divorce ni Alice sa daÂting mister.
Matagal ding tinalikuran ni Alice ang showbiz nang siya’y mag-asawa at mag-base sa Canada.
Ang TV5 ang nagbigay sa kanya ng comeback project sa pamamagitan ng TV remake ng Ang Babaeng Hampaslupa. Since then, tuluy-tuloy ang mga project ni Alice sa Kapatid Network at pinakabago ang tawa-serye na Confessions of a Torpe na pinagsamahan nila nina Ogie Alcasid, Gelli de Belen, Wendell Ramos, at iba pa.
Hindi ikinakaila ni Alice na meron ding alok sa kanya ang dalawang ibang TV networks pero nananatili siyang Kapatid dahil meron pa umano siyang existing contract hanggang end of this year.