Lumayas na pala sa Viva Artists Agency (VAA) si Rachelle Ann Go. Ang VAA ang humawak sa career ni Rachelle simula nang manalo siya sa Search For A Star noong March 2004.
Ang Cornerstone Management na ang nagha-handle sa singer na pinamumunuan ni Erickson Raymundo.
Ayon sa narining kong kuwentuhan kahapon, last February 28 lang nag-expire ang contract ni Rachelle Ann sa VAA pero prior to that date, nai-announce na raw sa kanyang concert sa Meralco Theater last February 22 na under na siya ng kanyang bagong management dahil nakabalandra na sa mga tarpaulin.
So maisyuhan kaya si Rachelle Ann na walang utang na loob?
“Sa Viva naman talaga siya nag-umpisa. Ang Viva ang naglagay sa kanya sa teatro kaya siya napasama sa Miss Saigon. Di ba napasama siya sa My Little Mermaid at Tarzan,†comment ng isang source tungkol sa paglipat ng singer ng bagong manager.
Bukas aalis ng bansa si Rachelle Ann para sa pagsisimula ng rehearÂsals niya sa 2014 West End Miss Saigon revival sa London kung saan siya gaganap na Gigi.
Kasama na niya sa kuwadra ng bagong manager niya sina Erik Santos, Sam Milby, Yeng Constantino at iba pa.
Magkakasama raw kaÂsi sa church ang grupo nila Erik kaya siguro raw ay doon nagsimulang magkaroon ng idea si Rachelle Ann na lumayas sa humawak sa career ng halos isang dekada.
Aktor nag-i-inject na ng Heroin pero tuloy ang trabaho
Nag-i-inject na pala ng droga ang isang aktor. Ito pala ang rason kaya siya binitiwan ng manager ayon sa isang source. Nakita raw ng manager na matindi ang problema ng aktor sa droga dahil hindi na lang ordinaryong droga ang tinitira nito kundi heroin na. Hindi na raw naman puwedeng sabihan dahil malalala na nga.
In fairness, ayon sa source, nakakapagtrabaho pa naman ang actor at parang normal lang sistema ng buhay at jackpot pa sa girlfriend ngayon.
Girl boy… mas malaki ang kinita sa MMFF
Gaganapin ngayong gabi ang Appreciation Dinner and Launching of the 40th MMFF.
Pormal na iaanunsiyo na nag-no. 1 sa sampung araw sa 2013 MMFF na nanguna ang My Little Bossing pero natalo sila ng Girl, Boy Bakla, Tomboy sa extended run ng pelikulang pinagbibidahan ni Vice Ganda.
Kaya kung laki nang kita ang pag-uusapan mas tumabo raw ang pelikula ni Vice kesa sa My Little Bossing na pinagbidahan nina Vic Sotto, Ryzza Mae Dizon and James ‘Bimby†Aquino Yap, Jr.