^

PSN Showbiz

Kapamilya Christmas party para sa press, wagi ng Anvil!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - ABS-CBN ang pinakapinarangalang TV network sa ginanap na 49th Anvil Awards kamakailan matapos mag-uwi ang Kapamilya Network ng pitong awards mula sa taunang parangal ng Public Relation Society of the Philippines (PRSP) na tinaguriang Oscars sa larangan ng public relations.

Wagi ang COMELEC Halalan App ng ABS-CBN Digital News Media, sa pakikipagtulungan sa Commission on Elections (COMELEC). Nakapagtala ang naturang app ng 6,720,051 page views sa Android at iOs noong May 2013.

Tumanggap din ng parangal ang ika-11 na Buntis Congress ng DZMM Radyo Patrol 630 dahil sa patuloy nitong pangangalaga at pagsulong sa kapa­kanan ng mga buntis sa pamamagitan ng pagsasagawa ng seminars na magtuturo sa kanila kung paano mapapabuti ang kanilang kalusugan pati na rin ng kanilang magiging sanggol.

Panalo ng Anvil ang ABS-CBN Corporate Communications para sa 2012 Media Christmas Party kung saan higit sa 200 miyembro ng entertainment press at bloggers ang nakisaya at nakaranas kung paano maging bahagi ng ilang program ng ABS-CBN tulad ng It’s Showtime, Kapamilya Deal or No Deal, at ang Christmas station ID ng network.

Kinilala naman ang ABS-CBN Film Archives dahil sa matagumpay nitong pagre-restore o pagbuhay sa pelikulang Himala sa digital at pagpromote nito sa bagong henerasyon ng mga manonood.

Samantala, dalawa namang Anvil awards ang nakuha ng ABS-CBN Marketing para sa 2012 Christmas campaign ng ABS-CBN na Lumiliwanag ang Mundo sa Kwento ng Pasko na nagbahagi ng diwa ng Pasko sa bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagbebenta ng parol, Kwento ng Pasko stories sa TV Patrol, Kapamilya Simbang Gabi, Salamat Kapamilya gift cards, viewer promo, Kapamilya Gift Together, ABS-CBN Christmas Special at ang inaabangang Christmas station ID.

Pinarangalan din ng sarili nitong Anvil award ang naturang Christmas station ID na likha ng ABS-CBN Creative Communications Management, dahil sa paghimok nito sa mga manonood na magsilbing li­wa­nag sa buhay ng kapwa sa pamamagitan ng pag­gawa ng mga simpleng kabutihan.

Hindi naman nagpahuli ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Inc. na nanalo ng dalawang Anvils para sa pagbuo nito ng komunidad sa Ca­lauan via Bayanijuan in Calauan at pagtulong sa mga biktima ng bagyong Pablo sa pamamagitan ngTyphoon Pablo Relief and Early Recovery Operations ng Sagip Kapamilya.

Bukod sa pagiging pinakapinarangalang TV network ng Anvil, ABS-CBN din ang nakakuha ng pinakamaraming Bronze Anvil kumpara sa mga kalabang istasyon.

Ang Anvil Awards ay taunang inoorganisa ng Public Relations Society of the Philippines (PRSP) para sa mga natatanging programa na nagpakita ng husay sa larangan ng public relations at business communications.

 

ABS

ANG ANVIL AWARDS

ANVIL

ANVIL AWARDS

BRONZE ANVIL

BUNTIS CONGRESS

CBN

CHRISTMAS SPECIAL

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with