Galit na galit ang aÂming writer friend na si VeroÂÂnica Samio dahil napuyat siya sa kahihintay ng coverage ng Oscars pero nainip siya dahil puro pagÂrampa sa red carpet ang ipinapanood ng istasÂyon na pinanooran niya. Parang mas binigyan importansiya ang mga isinuot ng mga artista kaysa sa mismong awards night.
Hindi bale raw sana kung talagang magaganda ’yung mga damit na pinakapuri-puri ng mga host pero hindi naman lahat. Mahihiya sila kapag ang mga Pinoy ang nagbihis. ’Yun nga lang ang mga arÂtistang Pinoy ay hindi sinusuportahan ang mga awards night, puwera na lang kung nominated sila.
Showtime nananaig ang pagmamahal kay Vhong
Pumapalag daw ang pamilya ni Deniece Cornejo dahil ginagawa siyang joke sa It’s Showtime. Gusto kong sabihin sa show na huwag na nila itong gawin pero siguro mas nananaig ang pagmamahal nila sa isang kasamahan, si Vhong Navarro, at kinakagat naman ng mga manonood kaya ewan ko lang kung may magagawa rito ang Movie and TeÂlevision Review and Classification Board chief.
Wait and see na lang tayo.
Sarah at Matteo idinadaan ang relasyon sa pictures
Sa larawan na lamang ipinakikita nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang kanilang relasyon. Wala mang aminin ang dalawa, the pictures speak for themselves. Dito kaya ay wala ng censorship ang madir ng Pop Princess? Sana naman, bayaan na ni Mrs. Geronimo ang kanyang anak. May edad na ito, ’noh!