^

PSN Showbiz

Oscars mas priority ang magagandang damit

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Galit na galit ang a­ming writer friend na si Vero­­nica Samio dahil napuyat siya sa kahihintay ng coverage ng Oscars pero nainip siya dahil puro pag­rampa sa red carpet ang ipinapanood ng istas­yon na pinanooran niya. Parang mas binigyan importansiya ang mga isinuot ng mga artista kaysa sa mismong awards night.

Hindi bale raw sana kung talagang magaganda ’yung mga damit na pinakapuri-puri ng mga host pero hindi naman lahat. Mahihiya sila kapag ang mga Pinoy ang nagbihis. ’Yun nga lang ang mga ar­tistang Pinoy ay hindi sinusuportahan ang mga awards night, puwera na lang kung nominated sila.

Showtime nananaig ang pagmamahal kay Vhong

Pumapalag daw ang pamilya ni Deniece Cornejo dahil ginagawa siyang joke sa It’s Showtime. Gusto kong sabihin sa show na huwag na nila itong gawin pero siguro mas nananaig ang pagmamahal nila sa isang kasamahan, si Vhong Navarro, at kinakagat naman ng mga manonood kaya ewan ko lang kung may magagawa rito ang Movie and Te­levision Review and Classification Board chief.

Wait and see na lang tayo.

Sarah at Matteo idinadaan ang relasyon sa pictures

Sa larawan na lamang ipinakikita nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang kanilang relasyon. Wala mang aminin ang dalawa, the pictures speak for themselves. Dito kaya ay wala ng censorship ang madir ng Pop Princess? Sana naman, bayaan na ni Mrs. Geronimo ang kanyang anak. May edad na ito, ’noh!

DENIECE CORNEJO

MATTEO GUIDICELLI

MOVIE AND TE

MRS. GERONIMO

PINOY

POP PRINCESS

REVIEW AND CLASSIFICATION BOARD

SARAH GERONIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with