^

PSN Showbiz

Nahuli raw ng ama Sarah naipuslit ni Matteo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mukhang nagkakamabutihan na raw talaga ngayon sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Wala pang umaamin sa dalawa kung ano ang tunay na estado ng kanilang mga puso sa kasalukuyan. “Pwede po bang ‘wag na natin pag-usapan? Okay lang? Siyempre personal po na buhay po namin ‘yun. ‘Yun lang po. Sana naiintindihan ng mga tao,” makahulugang pahayag ni Sarah.

May bulung-bulungan na nagrerebelde ngayon ang Popstar Princess dahil sa pagiging istrikto ng mga magulang pero hindi raw siya nagpapaapekto sa kanyang mga naririnig. “Lahat naman may say sa aming mga artista, mga public figure. Siyempre wala kaming control sa gusto nilang sabihin,” giit ng dalaga.

Kamakailan ay nagalit diumano si Daddy Delfin (ama ni Sarah) nang itakas ni Matteo si Sarah para makapag-date ang dalawa.

Ano kaya ang masasabi ng singer tungkol sa isyu? “Please po, hindi po ako handang sagutin ‘yung ganyang mga tanong,” makahulugang pahayag ni Sarah.  

Nene Tamayo ng PBB sa pagbebenta ng bangus nagkapera

Matatandaang si Nene Tamayo ang kauna-unahang nanalo sa reality show ng Kapamilya network na Pinoy Big Brother noong 2005.

Sumubok ding mag-artista si Nene at ngayon ay may sariling negosyo, ang paggawa ng Spanish style Bangus. Pinasok daw ni Nene ang pagnenegosyo dahil na rin sa kanyang karanasan sa buhay. “First time ko makahawak ng malaking pera, kaya sabi ko magbi-business ako. Big time agad, ano’ng nangyari? Nalugi kasi sabay-sabay. Sabay-sabay ako nagnegosyo, meron sa Angono, meron sa Quezon City. So hindi ko siya nabantayan,” pagbabahagi ni Nene.

“Natuto talaga ako doon, na kapag may negosyo ka, dapat gawin mo siya with passion, at saka, dapat nakatutok ka. Hindi ‘yung magnenegosyo ka lang tapos sige bahala na diyan, may pampondo naman. Ang pera kasi nauubos eh, so kailangan maingat din talaga,” dagdag pa niya.

Nagsimula lamang daw sa P10,000 na puhunan si Nene sa kanyang Ba­ngus business at ngayon ay lumago na ito. Bukod sa pagluluto ng Bangus ay inaral din niya ang tamang pag-iimpake nito sa mga bote o garapon. “Kung meron kang P10,000, halimbawa ibinangko mo ‘yun, kahit umabot ng one year ‘yun hindi ‘yun magiging 20,000 sa bangko. Hindi ko naman sinasabi na huwag silang magbangko, kumbaga para lang ma-maximize mo ‘yung pera mo. Kahit marami kang pera, madali ‘yung maubos. So kailangan talaga, kung mayroon kang pagkakataon, mayroon kang puhunan, magnegosyo,” pagtatapos ni Nene.

Ngayon ay mabibili na ang mga produkto ng aktres sa mga grocery at supermarket.  Reports from JAMES C. CANTOS

 

BANGUS

DADDY DELFIN

MATTEO GUIDICELLI

NENE

NENE TAMAYO

PINOY BIG BROTHER

POPSTAR PRINCESS

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with