Paolo Bediones umaming may Psoriasis, pumayag pang maging spokesperson!

Kasabay ng Oscar Awards ang pag-amin ni Paolo Bediones tungkol sa kanyang skin disease, ang psoriasis.

Naging mainit na isyu noong nakaraang linggo ang psoriasis dahil napagkamalan ito na isang mysterious flesh-eating disease na bumiktima sa dalawang residente ng Pangasinan.

Ang Bandila ang nag-report ng balita na naging dahilan para mag-panic ang mga Pangasinense. Nag-sorry na ang Bandila sa publiko dahil sa kanilang report na walang kongkretong basehan.

Para magkaroon ng sapat na kaa­laman ang publiko tungkol sa psoriasis na hindi naman nakakahawa, puma­yag si Paolo na maging spokesperson ng Psoriasis Philippines. Kabalat at hindi na basta Kapatid si Paolo ng mga tao na may psoriasis.

Birthday ni Rudy hindi nalimutan ng mga kaibigan

Kahapon ang birthday ni Rudy Fernandez. Kung nabubuhay si Rudy, 62-years old na siya at siguradong humaling na humaling sa kanyang apo na si Tori.

Marami ang nakaalaala sa kaarawan ni Daboy kahapon. Iba talaga kapag mahusay makisama at mabuti ang isang tao. Hindi nalilimutan ng kanyang mga naulilang pamilya at kaibigan ang kaarawan niya.

Dinalaw ko ang puntod ni Daboy sa Heritage Park noong nakaraang Linggo para makaiwas ako sa trapik bilang Lunes kahapon.

Black actress na si Lupita waging Best supporting actress sa Oscars, pelikulang napanalunan lumakas ang benta sa mga pirata

Si Lupita Nyong’o ang nag-win ng best supporting actress sa Oscar Awards na tinutukan kahapon ng mga Pilipino.

Nanalo si Lupita para sa role niya sa 12 Years A Slave. Walang kumuwestyon sa tagumpay ng black American actress dahil mahusay siya sa pelikula na mula sa direksyon ni Steve McQueen.

Hindi ko pa napapanood ang 12 Years A Slave pero pamilyar ako kay Lupita dahil starring siya sa Non-Stop, ang action movie ni Liam Neeson.

Flight attendant ang role ni Lupita sa Non-Stop at hindi ko naramdaman ang presence niya. One of those lamang siya at hindi  nabigyan ng highlight sa pelikula.

Nagmukhang extra man siya sa Non-Stop, aktres na aktres na si Lupita dahil sa kanyang best supporting actress award. Mag-expect tayo na madaragdagan pa ang mga project ni Lupita dahil napansin na ng buong mundo ang kanyang acting talent. Made na siya!

Ang balita ko, marami ang naghahanap ng kopya ng 12 Years  Slave dahil gusto nilang mapanood ang performance ni Lupita. Eh marami nang pirated copies ang 12 Years A Slave na ibinebenta sa mga palengke at bangketa kaya tiba-tiba ang mga vendor ng pirated  movies.

Jennifer Lawrence nadapa na naman

Kumbinsido na ako na isang babae na lampa si Jennifer Lawrence dahil nadapa siya sa red carpet ng Oscar Awards.

Noong 2013,  nadapa rin si Jennifer habang papaakyat sa stage dahil masyadong mahaba ang layla­yan ng gown na suot niya. Hindi mo iisipin na sinasadya ni Jennifer  na madapa para mapag-usapan dahil walang artista ang type na mapahiya sa mga big showbiz event na pinupuntahan nila.

Ang maganda kay Jennifer, nagagawa niya na pagtawanan ang mga nangyayari sa kanya kaya lalong dumarami ang fans niya. Love na love siya ng fans dahil para sa kanila,  taong-tao si Jennifer, sa kabila ng kanyang superstar status.

Local stars naaligaga sa Oscars

Busy kahapon ang mga Pinoy star dahil pinanood nila ang Oscar Awards at may sarili silang mga opinion tungkol sa choices of winners.

Sina Ruffa Gutierrez, Sarah Lahbati, at Maxene Magalona ang ilan sa mga artista na nagbigay ng updates tungkol sa mga kaganapan sa Academy Awards. Natuwa ang kanilang mga tagahanga na hindi nagkaroon ng chance na mapanood ang pamumudmod ng awards dahil pumasok sila sa opisina.

Show comments