Pinoy composer ng Let it go, pumasok sa ‘Egot’
MANILA, Philippines - Aligaga kahapon ang mga artista at iba pang showbiz personalities sa Oscars. As in lahat sila blow by blow ang updates sa kanilang social media accounts.
Kaya naman kahit medyo late ang gising mo, hindi mo kailangang mag-worry sa result dahil lahat ng mga nasa social media, nag-a-update.
Pero ang pinaka-patok ay ang ‘selfie’ na tweet ni Ellen DeGeneres na host ng awards night : “If only Bradley’s arm was longer. Best photo ever,†caption ni Ellen DeGeneres sa photo nila kasama pa si Brad Pitt.
Almost three million ang nag-retweet ng nasabing litrato ng lesbian na sikat na TV host.
Samantala, pasok na sa listahan ng EGOT (Emmy, Grammy, Oscars, Tony) ang Pinoy composer na si Robert Lopez na nanalo ng kauna-unaÂhang Academy Award last Sunday night.
Ang EGOT ay samahan ng mga nanalo ng apat na major award sa isang proyekto na nagawa ng Pinoy composer para sa kantang Let It Go ng pelikulang Frozen na kinabaliwan maging ng maraming Pinoy.
Bago nanalo si Lopez ng Best Original song sa Oscars nauna na siyang nanalo sa Emmy, Grammy, and Tony Awards.
Ayon sa online report ng GoldDerby.com (by Chris Beachum), kasama sa mga iba pang EGOT members sina : compo-Â ser Richard Rodgers(1962), actress HeÂlen Hayes (1977), actress Rita Moreno (1977), actor John Gielgud(1991), actress Audrey Hepburn (1994), composer Marvin Hamlisch (1995), orchestrator Jonathan Tunick (1997), actor/writer/composer Mel Brooks (2001), comedian/director Mike NiÂchols (2001), actress Whoopi Goldberg(2002), and producer Scott Rudin (2012).
Kaya napakasuwerte pala ng Pinoy composer at misis niyang si Kristine Anderson-Lopez sa pagkapanalo nila sa Oscars.
Angel sobrang na-miss si Gov. VI
Obvious na parehong na-excite ang nagkabalikang sina Luis Manzano at Angel Locsin nang magkaroon sila ng time makipag-dinner sa magiÂging bibiyanen ng aktres na sina Gov. Vilma Santos at Sen. Ralph Recto. The other night ay magkasunod silang nag-post ng mga picture nila. Nauna na si Luis nag-post na magkasama sina Gov. Vi at Angel : “having dinner with these 2 lovely ladies, the mommy and the girlfriend.â€
Si Angel naman ay : “finally, a day off! (half off pero keri pa) dinner with my awesome boyfriend’s family. I missed them soo much. Thanks Love ko (Luis Manzano).â€
Mukhang sa simbahan nga ang tuloy ng kanilang relasyon ngayon.
- Latest