MANILA, Philippines - Simula na ng mas exciting na adventures para sa ikaanim na taong pagdiriwang ng multi-awarded educational program na Matanglawin, na pinangunguÂnahan ni Kuya Kim Atienza, ngayong Linggo (March 2) kasama ang guest host na si Robi Domingo na maglalakwatsa at tutuklasin ang ipinagmamalaki ng Sarangani province.
Panoorin si Robi sa kanyang pag-iikot sa home town ng boxing champion na si Manny Pacquiao at sundan ang kanyang pagdodokumento ng kanyang paglalakbay sa pamamagitan ng pagse-selfie sa bawat lugar na kanyang pupuntahan.
Kikilalanin ng sought-after young host ang mga kalalakihan at kababaihan ng T’boli tribe, maghahanap ng exotic na mga hayop tulad ng macaques, phytons, at hornbills, at bubusisiin ang 2,000 taong gulang na anthropomorphic Maitum jars.
Sa ika-anim na taon ng Matanglawin, patuloy pa rin ang pagbabahagi ng programa ng kaalaman lalo na sa mga batang manonood nito. Kaya naman kaliwa’t kanan na ang mga parangal na natatangap nito mula sa iba’t ibang award-giving bodies. Kamakailan lang ay kinilala ito ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ginawaran ng prestihiyosong Ani ng Dangal award. Kabilang din ang programa sa finalist para sa Educational/Instructional category ng New York Festivals kung saan kakalabanin ng Matanglawin ang entries mula sa iba’t ibang panig ng mundo.