Aljur nagte-train ng mga dolphin

Inamin ni Aljur Abrenica na nag-e-enjoy siya sa bagong project na bigay ng GMA 7, ang Kambal Sirena, na tinatampukan ni Louise delos Reyes.

‘‘I have an encounter with the sea creature sa bago kong role. Noong una kong hawakan ang mga dolphin, kinakabahan din ako pero may nakaalalay namang coach trainor. Mababait naman ang mga dolphin at para silang aso na kapag hinimas mo ay nagiging maamo,’’ sabi ni Aljur.

Ang tatlong dolphins ay galing pa ng Japan at ang kanilang food ay galing pa sa US.

Naka-costume na pang coach trainor si Aljur (itim) sa isang eksena nang dalawin namin siya sa Ocean Adventure sa Subic, Zambales pero bago isuot ang black suit ay hinubad nito ang T-shirt at ti­lian ng mga beki dahil sa abs ng aktor.

Para mapangalagaan ang katawan ay nagdyi-gym ang aktor three or four times a week. Nagsasanay din si Aljur sa muay Thai boxing.

Magseselebreyt ang Kapuso actor ng birthday sa March 24 pero wala si Kylie Padilla at nasa Australia ito for a month vacation. Magtatawagan na lang daw sila. Ang birthday wish ng aktor ay para sa pamilya at sana’y maging matatag pa silang lalo.

Excited na rin si Louise sa dalawang katauhang gagampanan sa Kambal Sirena – isang tao at sirena.

First time nilang magkatambal ni Aljur Abrenica at maganda naman ang working relationship dahil nagkakasama naman sila sa mga show ng GMA gaya ng Sunday All Stars every Sunday.

Show comments