^

PSN Showbiz

Benjie inaayos na ang mga anak na kausapin si Jackie Forster

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Walang problema kay Benjie Paras kung magkausap man ang dalawa niyang anak na sina Andre at Kobe Paras at estranged mother nilang si Jackie Forster.  Pinagsasabihan din ni Benjie ang dala­wang nilang teenage sons ng dating misis na kahit ano ang mangyari, ina nila si Jackie. In time, naniniwala si Benjie na magkakaayos din ang mag-iina.

Samantala, thankful ang comedian sa break na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN na mapabilang sa top-rating Got to Believe TV series na tinatampukan ng love team nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Bago ang Got to Believe, identified si Benjie sa pagiging Kapuso actor.

 

Demandahan mahigit isang taon bago naayos

Bago pa man huma­rap sa entertainment me­dia ang nagkademandahang sina Atty. Annette Gozon-Abrogar at Sarah Lahbati last Friday, Feb. 28 ay may mga teaser nang lumalabas hinggil sa pagkakaayos ng mag­kabilang-panig na nangyari sa mediation nung Feb. 13.

Nagkausap nang masinsinan sina Atty. Abrogar at Sarah at nagkapaliwanagan hanggang sa ito’y mauwi sa kanilang muling pagkakasundo.

Mahigit isang taon din ang itinagal ng kaso ng magkabilang panig na unang inihain ni Atty. Abrogar in January last year na sinundan naman ng magkakaibang kaso na isinampa ni Sarah laban sa pangu­lo ng GMA Films nung July 2013. Ang apat na magkakaibang kaso (libel, perjury, grave coercion, at unjust vexation) na isinampa ni Sarah against Atty. Abrogar ay lahat ibinasura ng korte. At habang ongoing ang kaso ng magkabilang parte ay apektado ang career ni Sarah.

In fairness kay Sarah, naging very supportive sa kanya ang boyfriend na si Richard at maging ang pamilya nito bagay na kanyang pinasasalamatan.

Nag-sorry si Sarah kay Atty. Annette at ito’y tinanggap ng huli. Dahil sa muling pagkakabati ng dalawa, muling magiging active ang aktres sa kanyang showbiz career sa tulong ng GMA Artists Center dahil dito naman siya may existing contract.

Kung matatandaan pa, nagkademandahan din noon sina Annabelle Rama at dating executive ng GMA na nasa TV5 nang si Wilma Galvante pero nagkaayos na ang dalawa at magkaibigang muli. Maliit lamang talaga ang mundo ng showbiz kung saan walang permanenteng magka-away.

ABROGAR

ANNABELLE RAMA

ANNETTE GOZON-ABROGAR

ARTISTS CENTER

BENJIE

BENJIE PARAS

DANIEL PADILLA

FEB

JACKIE FORSTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with