Magandang balita sa cast, staff at crew ng Villa Quintana ang balitang extended ang Afternoon Prime ng GMA 7 for eight weeks o two months. Dahil ito sa mataas na rating, sa mahusay na direction ni Gina Alajar at magagaling na cast.
Idagdag na rin natin ang ingay na dulot ng relasyon nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Hindi pa umaamin ang dalawa, pero halata sa kanilang mga kilos at tinginan na may nangyayari sa kanilang dalawa. Pareho silang single kaya nagtataka kami kung bakit hindi pa sila umaamin.
May mga nabasa kaming suggestion na paiÂngaÂyin pa ng GMA 7 ang love team nina Elmo at JaÂnine by giving them and their show extensive promo. Ang isa pang suggestion, hanapan ng more magazine cover si Janine at endorsement para mas makilala pa dahil lumalabas na isa siya sa pambato ng network. Paging GMA 7!
Isabel Oli inayos ni John na makabalik ng ABS
Bumalik na pala sa ABS-CBN si Isabel Oli at siguradong malaki ang kin`alaman ng BF nitong si John Prats para bumalik sa Kapamilya Network. At least ngayon, puwede na silang magtambal sa mga soap at show.
Kaya pala nasa birthday presentation ni John sa ASAP last Sunday si Isabel at isinama na rin siya sa Anna Liza. Ang sweet ni John dahil winelcome ang GF sa Anna Liza. Nag-taping na ang aktres at baka mapapanood na siya sa papasok na linggo.
Tinapos lang ni Isabel ang kontrata sa GMA ArÂtist Center at wala na rin siÂyang show sa GMA 7. Iyong show niya sa GMA News TV, papalitan na lang siya.
Janno may sama ng loob sa GMA
Sa pakikipagkuwentuhan kay Janno Gibbs sa taping ng Paraiso Ko’y Ikaw, nabanggit nitong there was a time na ginusto niyang umalis sa GMA 7 at lumipat sa ABS-CBN. Nagtampo raw siya sa Channel 7 at siya mismo ang lumapit sa ABS-CBN para tingnan ang option niya.
Napigilan lang daw siya at naisip na hindi niya maiwan ang mga show niya that time. Na-realize rin niyang hindi siya pinababayaan ng Channel 7 at minsan nga, sabay-sabay ang shows niya, gaya ngayong bukod sa Paraiso Ko’y Ikaw nasa Sunday All Stars din siya.
Hindi na binanggit ni Janno kung ano ang ipinagtampo niya sa Channel 7 at kung paano nahilot at may posibilidad pa ring lumipat siya lalo’t magtatapos na ang kontrata niya sa Kapuo Network this year na.
Anyway, gaya ni Bing Loyzaga, nilinaw ni Janno na wala pa silang apo at mali ang tsismis na may anak na ang isa sa dalaÂwa nilang anak. Si Bing nagalit sa tsismis dahil naapektuhan ang anak nilang si Gaby sa tsismis, pero si Janno natawa lang dahil hindi nga totoo.
Movie for TV Nina Derek at Angel puwedeng pang-sinehan
Hindi malinaw ang sagot sa amin ng mga taga-TV5 sa balitang ipalalabas in selected theaters ang Bawat Sandali, ang movie for TV na pinagtambalan nina Derek Ramsay at Angel Aquino.
Marami raw ang nag-request na ipalabas sa sinehan ang pinagtambalan ng dalawa after ng good review nang ipalabas ang Bawat Sandali last week. Ang sagot sa amin, si Mr. Manny V. Pangilinan ang magdedesisyon, pero kung sila lang ang masusunod (mga bossing ng network) gusto nilang ipalabas ang apat na movies for TV na ginawa nila.
Dahil din sa good reviews, tila ibabalik ng TV5 ang movie for TV at hindi nga ba’t kinukuha nila si Sarah Lahbati para rito?